Karanasan/kadramahan

0 0 0
                                    

Ang dami kong sana sa buhay. Mga sana na imposible ng mangyari kasi may mga panahon na hindi na pwedeng ibalik. Akala ko kasi okay pa, na maaayos rin ang lahat. Yun pala hanggang akala nalang ako. Totoo nga ata ang sinasabi nila na maraming namamatay sa maling akala. Ang sarap tumakas sa reyalidad, sa sakit, paghihirap, sa lahat. Pero paano? Yan ang tanong na palaging bumabagabag sa akin, tanong na ewan ko kung masasagot pa. Alam ko naman na pagsubok lang ang lahat ng ito para mas maging matatag pa ako, na mas maging malakas. Kaya lang minsan naiisip ko, pagsubok pa ba ito o hindi na, ang hirap na kasi, ang sakit.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

RandomWhere stories live. Discover now