LETTERS (One shot)

157 5 3
                                    

A/N: Sorry sa mga wrong spellings, grammar. Kakatapos lang magsimba at naisip yan. Bangag pa masyado. HAhaha. Thanks for reading! 

"Nako, Cassie. Nakatingin ka na naman kay Chris?" sabi sa akin ni Jenny.

"Wala eh. Ang galing niya talaga magbasketball." sabi ko at hindi pa din inaalis ang tingin ko kay Chris. Si Chris; na sobrang magaling magbasketball. Si Chris na sobrang talino, sobrang bait, sobrang cute, sobrang macho, sobrang magalang, sobrang friendly. Pero..

Gagraduate na siya this school year. Ako naman ay isang hamak na third year lang. At isa pa, DI NIYA AKO NAPAPANSIN. Sabihin nating, natatabunan ako ng mga cool, popular and beautiful girls sa school. Kaya, di niya ako napapansin. Nagpaganda na ako at nagpagupit pero wala talaga! Di niya kita ang beauty ko!

"Hay Nako. Wala ka ba talagang balak sabihin?" sabi niya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Paano ko naman sasabihin ha? Alam mo naman na bawal. Kasi nililigawan ako ng isa niyang kaibigan." Oo, tama kayo ng nabasa. Nililigawan ako ng isa niyang kaibigan at close sila. At napagkamalan na kami at di ako sanay na magsabi ng masasakit na salita. Hinayaan ko na lang siya kahit inexplain ko at siya pa din ang nagpapatuloy. Pero syempre, di ko sinabi na gusto ko si Chris.

"Ewan ko sayo! Nga pala, may balak ka na bang regalo sa Christmas Party?" Christmas Party na pala sa Friday! At hala, wala pa akong regalo!!!

"Nako! Wala pa nga eh! Tara, samahan mo ako sa mall mamaya." sabi ko at alam kong papayag ito dahil paborito niya ang pagshoshopping.

"AHH! Alam mo talaga ang paborito ko girl!"

-

Nandito kami ngayon sa mall at abalang namimili para sa mga reregaluhan namin.

"Ano bang pwede sa kanya?" kasi di ako makapili sa taong nabunot ko. Gusto niya kasi ay isang silver necklace. Bigwasan ko kaya itong babae na ito? May presyo pang nakalagay eh.

"Miss, eto nga po." pinili ko ang isang silver necklace na may heart at susi.

Habang nasa cashier ako, napaisip ako na eto lang ba ang ireregalo ko? Parang kulang para sa akin e. Well, madami akong pera ngayon kaya, Gorabels lang.

"Oh, bestie. Bat ka tulala diyan? Si Chris na naman ba?" tanong niya.

"Hindi, kasi parang nakukulangan ako sa ibibigay ko sa nabunot ko."

"Nako ma'am. Mas maganda kung dadagdagan niyo ng letter." sabi ng kaherang nasa harap namin ni Jenny.

"L-letter?" Teka! Di ako sanay na magsulat ng letter eh!

"Opo Ma'am! Kasi kung gagawa kayo ng letter, at galing sa puso niyo ang mga sinusulat niyo, I'm sure, mas magugustuhan nila iyon kesa sa mga bagay na sobrang mahal. Dahil alam nilang, sobrang naaappreciate mo sila sa buhay mo. Bonus pa kung handwritten. Pero Ma'am! Nakabayad na kayo kaya bibilhin niyo na ito!" sabay abot niya sa akin nung binili ko.

Natawa kami sa sinabi ng kahera. Nagpasalamat at umuwi na kami. Pero, Letter? Gagawa ako? Hmm. Nung narinig ko yung letter, isa lang ang naisip ko.. Si Chris.

-

"Letter? Para kay Chris?" kausap ko ngayon si Jenny sa canteen. At nasa sulok kami para pagusapan ang balak kong pagbigay ng letter kay Chris.

"Ahh.. Oo eh." sabi ko at yumuko.

"AY SALAMAT AT AAMIN KA NA RIN! Pabasa nung letter! Paano mo ibibgay sa kanya?" tanong niya sa akin.

"Actually, gagawa pa din ako. At balak kong ibigay sa kanya.. ng palihim." at nagulat si bestie sa narinig niya.

"Oy! Gusto ko yan! O sige game game! Pero, di ka pa nakakagawa?!" halos masigaw niya.

LETTERS (One shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon