Hay Nakooooo!!

4 1 1
                                    

Daniella's PoV
Hayyyyyyyy! Ang buhay nga naman parang life! First day ng klase ko ngayon bilang 2nd year highschool. Okay lang naman sigurong malate first day of classes naman at ayoko ding nakatayo habang nagfaflagceremony, nakakatamad.

Ay oo nga pala may name is Daniella Kim, de joke lang, Daniella Garcia talaga. Kaya gusto kong Kim apelyido ko dahil crush ko si KIM SEOK JIN ng BTS.

BTS also known as Bangtan Boys ay isang group ng 7 lalaki na sumasayaw, kumakanta at nagrarap. Magkakasing edad sila , 2nd year highschool na din sila. Pero pinakamatanda si Jin. Kasama nia si Suga, Rapmon,J-hope, V, Jimin at Jungkook.

Ampogi kaya ni Jin para siyang anghel na binagsak sa lupa, de joke lang, ang harsh naman pag bagsak diba. Ito nalang anghel na ibinaba sa lupa.

Siguro ang saya ko kapag siya mapapangasawa ko ay hindi, dapat pala di ko muna iniisip ang pagaasawa. Mahirap kasi kami kaya kailangan ko munang makapagtapos ng pagaaral at makapagtrabaho upang matulungan sila mama at papa.

Ay 7:30 na pala, makaligo at bihis na nga. Nagsuot na ako ng sapatos. Nagpaalam na din ako kila Mama at Kuya Walking distance naman school ko kaya 5 minutes siguro andun na ako.

Nang makarating ako sa school, kakatapos pa lang mg flag ceremony/opening ceremony ng school year. Tumatagaktak pawis nila, yan din ang one reason bakit ayaw ko magceremony dahil mainit at maraming tao pagpapawisan ka lang.

"Ella" may tumawag sa akin, si David pala. Kaklase/crush ko rin siya. Hihihi. Dami kong crush no, pabayaan niyo na paghanga lang naman at may dalawa kong kuya . Siguradong papagalitan ako ng mga yon kapag nalaman na may boyfriend ako.

Nginitian ko siya. " Ngayon ka lang din dumating?" Nag nod siya. "Nag mana sa iyo eh" sabay ngiti. Aishhh! ampogi niya talaga tuwing ngumungiti.

Minsan nagtataka ako dahil ang gwapo niya at mayaman pero parang walang nagkakagusto sa kanya. Ayyy! Alam ko na, silent type kasi siya. He does'nt talk to strangers eh.(ayy pak! English)

Dumiretso kami sa building namin. Nakahiwalay ito dahil SSC(special science curriculum) kami. Kami ang highest section. Malaki ang school namin at may oval pa na pinagtatambayan ng mga estudyante tuwing vacant nila.

Sana magkaklase pa rin kami dahil every year pinagshashuffle ung mga students kada grade level. Bale dalawa ung section ng ssc, pinag hahalo halo ito upang ma strengthen ung connections between each student at para makasama ang ibat-ibang tao taun-taon.

Nakito ko ang listahan at magkaklase pa rin kami. Pumunta kami sa room namin, nakita ko na nandito rin yung dati kong kaklase last year. Kasama na dito sina Coreen, Aliyah, Ana, Karryle, Keycie, at Jezy. Bale kaibigan ko din sila pero di gaanong close. Alam ko kasi na plastik at backstabbers yung mga yan. Sumasama lang ako sa kanila kapag sumasayaw sila ng KPop songs. Favorite din nila ang BTS, sina Karryle at Keycie bias si V. Si Aliyah ay si Suga. Si Correen at Ana si Jungkook. Samantalang si Jezy ay Chim-chim.

"Hello" bati ko sa kanila. "Hi" sagot ni Correen. "Ano, nakakabisa ka ba ng mga bagong sayaw, ngayong summer? Ayokong ng kasamang mamali-mali at slow learner kapag sumasayaw." Ay nakooo ito nanaman si Aliyah, umiiral ang pagkamahangin. "Syempre naman, di ako magpapahuli pag dating sa KPop lalo na sa Bangtan."

"Mabuti naman. At tatandaan mo huwag na huwag mong aagawin si Suga sa akin, akin at akin lang sya" wika niya ulit.

Umoo nalang ako dahil ayoko ng gulo. May tumawag uli ng pangalan ko at napalingon ako , si David pala. Nagpaalam na ako na pupunta na ako sa kasama ko. Pumayag naman sila.

"Diba sabi ko sayo huwag mo nang kausapin yung mga yon dahil masasama ugali ng mga yon" ay naku eto nanaman si overprotective David, isa to sa mga nagustuhan ko sa kanya. Yung pagiging protective like my brothers. "Okay lang yon, minsan lang naman akong makisama sa kanila ehh". Ampogi niya talaga kahit inirapan niya ako pero syempre mas pogi si Jin my loves. Kung si Jin kaya andito, mabait din kaya siya? Protective din kaya siya? Pero alam kong imposible yon.

Andito na pala yung teacher. Nagintroduce siya bilang si.Sir Albert Newton. Astig! Pinagsamang albert einstein at sir isaac newton. Sabi niya wala naman daw masyadong gagawin ngayong araw introduction chuchu lang daw at uuwi na rin kami.

Nag simula sa umpisa at nung nagsalita na ako ay nakita ko ang pagkamangha sa mukha nila. Ah! Alam ko na sa accent ko siguro, maganda kasi ung accent ko, american accent. Natural na natural ako magsalita di tulad ng iba kaya madalas din akong napapanlalaban sa debate at declamation. Natapos ang introduction ng lahat at sabi ni sir pwede na daw umuwi at bukas na lang magkikita kita.

Napagdesisyunan namin ni David na pumunta sa mall na malapit dito. Actually pader nga ng mall na ito pader na din ng bahay ko sa sobrang lapit.

"Lunch tayo gutom na ako eh" saad nia, sabagay kanina pa kami nagiikot dito. "Sige.Saan ba gusto mo?",tanong ko sa kanya. "Doon" turo nia sa isang sikat na mamahaling restaurant. Namutla ako, di ko ata afford don kamahal eh. "Wag kang mag-alala. Ako nag aya diba, libre ko." Nabasa nia ata ang nasa isip ko.

"Naku huwag na okay-" sabi ko kaso pinutol niya. " I won't take no for an answer" at hinila ako papasok ng restaurant. Umorder siya ng sobrang daming masasarap na pagkain. Nakahihiya tuloy. "Huwag ka nang mahiya minsan lang naman kita ilibre eh". Mind reader ba ang isang to? Bakit alam niya ang iniisip ko. Ah bahala na nga makakain na.

Ansarap ng pagkain, sa sobrang sarap nakalimutan kong may kasama nga pala ako.

"Hinay-hinay lang sa pagkain baka mabulunan ka. At kaya ka lalong tumataba eh, pano ka magugustuhan ng bangtan-bangtan na yan kung baboy ka! Huh?"

Ang harsh naman ng isang to. "Alam mo kasi, bakit andami mong inorder, huh? Nanghihinayang ako. Pano kung di maubos? Sayang diba? At siguro di naman ako makikita ngayon ni Jin na nakalobo ang tyan kaya bayaan mo na. Hehehehe." Sabay peace sign.

" Sige na nga, kumain ka pa. Baka pag pumangit ka eh mabawasan ang kaagaw ko sa iyo" sabi ni David ng medyo pabulong kaya di ko narining.

"Huh? Anong sinabi mo?"tanong ko kay David.
"Wala, sabi ko lumamon ka pa diyan" sagot niya.
"Aishh, ito talaga. Kung di lang kita mahal eh matagal na kita iniwan eh!"sigaw ko sa kanya.

"Anung sinabi mo?!"
"Ah-ah a-ano, ma-mahal kita bilang kaibigan.Tama! Ah mahal kita bilang kaibigan"
Muntik na yon ah! Sana nga di niya ako nabuko na mahal ko siya higit sa kaibigan dahil ayokong masira friendship namin.

Hahaha opo si jayden corpuz po si david. Copyrights to the owner po!

Kailangan Ba Talaga?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon