mamay kei wahaha peace offering kasi ang loko nung nadedic ko sayo, kaya eto seryoso na talaga to. hahaha :D
Kung gusto niyo may bg music nasa gilid lang yung vid. :)
-------------------------
Naguguluhan ako sa inakto ni Jaime kanina. Bakit parang iba yung iniisip niya dun sa itinanong ko. Lalo tuloy akong kinabahan sa mga pinapagawa ni tatay sa kambal kong kapatid. Baka hindi lang panlilimos at pagkanta sa mga pampasaherong jeep ang ginagawa nila. Posible nga kaya na may iba pa?
Lilinawin ko talaga lahat kay tatay yung patungkol sa kambal pag inabutan ko siyang dumating dito sa bahay.
"Tay! Mano po."
"Tay Mano po."
Dumating na pala si tatay, parang kanina binabanggit ko lang siya ah.
Nag-unahan yung kambal sa pagmano kay tatay at tinignan ko lang sila mula sa kusina. Nagtago muna ako sa kanila para makita kung may kakaiba ba kapag umuuwi si tatay galing sa trabaho.
Nakatalikod sa akin si Alfred at Joshua samantalang ang mukha naman ni tatay ang nakikita ko dito sa pwesto ko. May iniabot ang kambal sa kanya pero hindi ko naman nakita kung ano iyon. Ang alam ko lang parang masaya si tatay sa inabot ng kambal.
Lumabas na ako ng kusina at mukhang nagulat si tatay sa akin. Halata ko ngayon sa mga mukha niya na kinakabahan siya. Hinila ko ang kamay niya na nakita kong may hawak nung ibinigay nung kambal at parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa nakita ko.
Natikom ang mga bibig ko at napakuyom ko bigla ang mga kamao ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sinuntok ko na si tatay. Pero hindi pa ako nakuntento sa isang beses kaya dinagdagan ko pa ng isa at ng isa pa. Kasabay ng mga suntok na binitawan ko sa kanya ay mga pagsabi ng kung ano-anong mura. Kahit na ano na lang ang mabanggit ko wala na akong paki-alam. Wala na rin akong paki kung kani-kanina lang eh ako yung nabugbog. Wala akong gustong gawin kundi ilabas lahat ng galit kay tatay!
"Tang-ina tay, putang-ina! Ano ba pinapagawa niyo sa mga kapatid ko? Akala ko tumigil na kayo sa mga kagaguhan niyo? Hindi pa ba kayo nakuntento nung pinagawa niyo sakin to dati? Alam niyo naman kung ano nangyari sakin nung nahuli nila ako diba? Pero ano?! Inuulit niyo na naman ulit. At sa kambal pa? Hindi na ba kayo nag-iisip?"
Tinigil ko na ang pagsuntok ko, pero hindi dahil sa pagod na ako, pero dahil inawat na ako ng mga kapatid ko. Ayaw ko pa sana paawat pero nung makita ko ang luhaang mukha ni nanay biglang kumalma ang mga sariling demonyo ng katawan ko.
"Kuya ano ba, awat na."
"Jaime wag mo akong utusan, hindi mo alam ang kwento kaya wag kang maki-alam."
"May paki-alam naman ako kuya kahit papano. Dahil parte rin naman ako ng pamilya na to!"
"May pakialam ka?! Ha?! Sige! ISIGAW MO NGAYON SA HARAP KO NA MERON KA NGA TALAGANG PAKIALAM?!"
"MAY PAKI-ALAM AKO KUYA!"
"Wag mo akong lokohin. Mukha lang akong gago pero hindi ako gago! May alam ka diba?"
"May alam san?"
"Tang-ina mo! Ayaw mo pa umamin. Kanina, nung tinanong kita kung alam mo na ba yung pinapagawa ni tatay sa kambla bigla-bigla, kinabahan ka. Pero nung nalaman mo na yung pagpapatrabaho pala na pinapagawa ni tatay na pagsampa sa jeep at pagkanta nung kambal yung tinutukoy ko eh biglang nagliwanag yang mukha mo. Nawala yung kaba na pinakita mo sakin kanina at sinagot mo ako ng may buong kumpiyansa na "Ah yun ba? Oo naman". Sino ngayon niloloko mo? Lelang mo? Gago ka. Yan pala yung may pakialam?!"
"Mga anak ta-tama na y-yan. Ayokong nakikita ko kayong magkapatid na nag-aaway."
Hindi pa rin tumitigil si nanay sa pag-iyak at kahit kumalma na ako ng konti kanina eh hindi pa din mawawala yung galit. Lalo pa nung sagutin ako ni Jaime. Akala niya siguro hindi ko napansin yung inasal niya kanina. Huli tuloy siya ngayon.
Tinalikuran ko na muna si Jaime at nilapitan ko si nanay. Hinawakan ko si nanay sa magkabilang braso para pakalmahin. At doon nagpaliwanag ako sa kanya kung bakit galit na galit ako.
"Nay, alam niyo naman na hindi ako basta-basta nagagalit sa mababaw na dahilan. Pero inulit na naman ni tatay yung ginawa niya dati. Hindi ba kayo nababahala dun? Nagtutulak na naman si tatay ng droga at sa kambal niya pinapa-abot ang kita. Yung kambal yung ginagawa niyang tulay para lang mabigay ng maayos yung mga droga sa mga walang hiyang adik dyan sa tabi-tabi. Alam niyo naman na ganyang ganyan din yung pinagawa sakin ni tatay dati diba? At alam niyo rin naman kung ano ang nangyari sakin nang magkahulihan. Nandun kayo nun, at alam kong alam niyo kung ano rin ang mangyayari kanila Alfred at Joshua pag nahuli sila."
"P-pero anak pwede mo naman siguro munang pakalmahin ang sarili mo. Wag mong daanin sa galit ang mga bagay-bagay. Walang madudulot na maayos ang mga ginagawa mo ngayon dahil ikaw mismo hindi mo magawang ayusin ang sarili mo. Ramdam ko anak, hanggang ngayon galit ka parin sa tatay mo. Hindi mo padin sya napapatawad. Anak huwag mo pairalin ang gal---"
"Nay."
Pinutol ko muna ang sasabihin ni nanay.
"Sa tingin niyo ba mawawala pa ang galit ko kay tatay? Sa tingin niyo ba mababawasan pa yung nararamdaman ko ngayong poot? Lalo lang madagdagan dahil nangyari to. At wala kayong karapatan na sisihin ako kung hindi ko man siya mapatawad kahit kailan. Kahit siguro sa hukay niya hindi ko makakalimutan ang mga katarantaduhan na ginawa ni tatay. At dahil sa mga katarantaduhan na iyon eh hindi na pwedeng ayusin lahat ng nasira sa pamliyang to."
Lumabas muna ako dahil hindi ko na kaya, hindi ko na kaya yung lahat ng nangyari ngayong araw. Puno ng sorpresa na hindi nakakatuwa.
BINABASA MO ANG
Ang kwento sa loob ng kwento (HIATUS)
Ficção GeralMandidiri at manginginig ka sa takot sa bawat bahagi ng kwentong babasahin mo, dahil sa mga halang na kaluluwang isa-isa mong makikita na nasa paligid mo lang pala. Ang kwento sa loob ng kwento na hindi mo gustong malaman.