Conversation.
SEIK.
Matapos kong bumili ng pagkain ay inilapag ko yun sa harap niya. Fuck those eyes staring at us.
"Anong gagawin ko diyan?" tanong ni Berry habang naka taas ang isang kilay.
Taray.
"Ano bang ginagawa sa pagkain?" sarkastiko kong tanong. Umupo ako sa harap niya.
"Kinakain malamang"
"Edi kainin mo"
"Hindi ako gutom."
"Sigurado ka ha?" Hindi na siya sumagot kaya kinain ko nalang ang italian dutch pizza na nasa harap ko. Siyempre yung nang-aasar na type ng pag kain ang ginawa ko.
Tumingin ako sakanya at kitang-kita ko kung ilang beses siyang lumunok.
"Oh." I gave her a slice. Una ayaw pa niyang tanggapin pero siyempre, hindi rin siya nakatanggi at kinain lahat yun.
"Hindi pala nagugutom ah?"
bulong ko sa sarili ko ng kinuha niya ang inalok kong pizza."Oy" pag tawag niya sakin.
"Ano?"
"Ano yung sinasabi mo kanina?"
"Wala, sabi ko ubusin mo na yung pizza m–"
"Ubos na," pag putol niya sa sinabi ko kaya agad akong napatingin sa mesa.
Woah. 8 slices within minutes? A smile formed in my lips as I watch her fix herself.
"Didn't know you really like pizza that much."
"Yup, paborito eh" atawa ako ng bahagya sa sinabi niya. So we have the same favorite.
Umorder ako ng Chocolate Grande Shake, dalawang large ang kinuha ko para saaming dalawa, hindi na kami nag usap dahil pareho kaming abala sa pag inom ng Shake.
"Oy" tawag niya ulit sakin habang hinahalo ang shake niya. Bat ba "oy" ang tawag niya sakin?
"I'm not oy. Im–"
"MAXWELL SEIK STANFORD" diretso niyang sagot at pinasiringan ako.
"Pano mo nalaman pangalan ko?"
"Eh diba nga po? Mag kaklase tayo. Tsaka sikat ka kaya. Di kaba aware?" sagot niya kaya pareho kaming natawa.
"Ate" tawag ko sakanya. She glared at me.
"Anong a-ate? Hoy mas matanda ka saken walang hiya ka!"
"Ate, bulate."
"Bulate!?"
"Para ka kaseng may Bulate sa tiyan! Kakabili ko lang ng Shake naubos mo na agad" sabi ko. Tinuro ang lalagyan ng Shake niya.
"Eh gutom nga ako diba?"
"Hindi ka ba nag lunch?"
"Hinde"
"Bakit?" Patay malisyang tanong ko. Alam kong wala siyang kinain sa tanghalian at alam ko din kung saan siya pumunta kanina kaya bigla siyang nawala.
"Eh k-kasi, si J-Jinx.." nauutal niyang sabi.
"Jinx Estrada ng Big 5?" tanong ko.
"O-Oo"
"Anong meron kay Jinx? Nag date ba kayo?" A cold tone covered my voice.
"Hinde, k-kasi, sinundan ko siya"
Sinundan niya si Jinx? So sinundan nga niya talaga kaya mag kasama sila kanina.

YOU ARE READING
THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIES
SonstigesSiya si Maxwell Seik, ang uniko-hijong anak ng mga Stanford na may ari ng pinaka malaking paaralan sa Luzon, Ang Stanford High. Mayaman at gwapo si Seik kaya habulin sya nang mga babae. Si Seik ang tinaguriang Casanova King sa Stanford High ngunit...