IKADALAWAMPU'T TATLONG KAPITULO
Hinihingal pa si Diomel nang simulan niya ang pagcontact sa iba pa nilang mga kasama.
"Guys? Guys!"
"Oh, Diomel, kamusta na kayo?" bungad na tanong ni Chanel.
"Ayos lang naman kami. Nandito kami sa may bandang electric room." sagot ni Diomel.
"Mabuti naman. Oh, dyan naka-toka sina Madz ah? Baka pwede kayong magkita dyan." suhestiyon ni Chanel.
"Yow, Diomel. Nandito kami sa may guard house. Ilang lakad lang naman 'to mula dyan. Punta na kayo." saad ni Ronalyn.
"Sige, sige." Magpapaalam na sana si Diomel nang biglang may magsalita ulit.
"Hoy, makinig kayong lahat!"
"Oh, si Jeremiah 'yon ah." bulalas ni Lyka.
"Ayieee." panunukso ni Quincy. Hinampas siya ni Lyka, "Tumigil ka nga!"
"Nandito kami nina Lyndon ngayon sa may kusina. Na-solve kasi ni Christian Oliver 'yong binigay na problema sa'tin ng killer na 'yon at sinasabi doon na dito namin makikita si Smile. Kaya kayong lahat, magpunta na kayo dito. Ngayon na!" mahabang paliwanag ni Jeremiah.
"Hoy ka din!"
Nagulat ang lahat nang marinig ang boses ni Renz.
"Renz?!"
"May problema din dito sa amin ngayon. Si Camille nakulong sa isang malaking freezer dito sa baba lang ng attic. Sabi ng killer, para daw mailigtas ang babaeng 'yon, kailangan naming sagutan 'tong pinapasagutan niya na mas mahirap pa sa Math! Kaya 'yong iba dyan, dito kayo magpunta! 'Di ko alam gagawin dito, oy." pag-uulat ni Renz.
"Teka, bakit ikaw ang may hawak ng walkie-talkie? Nasaan si Xian?" tanong ni Diomel.
"Mamaya na ang satsat! Magpunta na kayo dito!"
Dahil doon, medyo nayanig ang mundo ng Perlas. Hindi nila alam kung saan pupunta at kung ano ang gagawin.
"I suggest na since pitong grupo tayo, well, ngayon lima na lang dahil 'yong dalawang grupo ay nangangailangan ng tulong.. I suggest na ang dalawang grupo ay magpunta kina Renz at ang tatlo naman ay kina Jeremiah." wika ni Alliyah Gaille. "Suggestion ko lang naman.."
"'Yan na yata ang pinaka-mahaba na nasabi mo!" sigaw ni June Alliah na rinig ng lahat.
"Tse!"
Kinuha ni Christian John ang walkie-talkie mula kay Diomel at nagsalita dito, "Sige, game! Ang grupo namin at grupo nina ate Chanel ang magpupunta kina Renz. 'Yong natirang tatlo ay kina Oliver. Gets?"
"Gets!"
***
(Mark Joshua's POV)
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Mystery / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...