IKADALAWAPU'T APAT NA KAPITULO
"Camille?" katok ni Xian sa malamig na pinto ng freezer. "Alam kong ang tanga ng tanong na 'to pero.. Okay ka lang ba?"
Ilang minuto bago nagresponde ang kaibigan. "O-oo. P-pero ang l-lamig na d-dito. P-pakibilisan naman o-oh." pakiusap ni Camille.
"Yes, yes, bibilisan namin. Kapit ka lang, please." pangako ni Xian. "Ilalabas ka namin dyan."
"Hooooy!"
Napalingon ang lahat at nakita ang grupo nina Chanel at Fran.
"Sa wakas, may kasama na kami sa pamomroblema!" masayang sambit ni Hope.
"Nyemas. Hahaha!" komento ni Joshua James.
"Patingin nga niyan." Kinuha ni Quincy ang papel kung saan nakasulat ang logic case. "Iba 'to ah. Ano tingin niya sa'tin, detective?"
"Loko ka!" komento ni Lyka at tumawa ng konti.
"Si Camille, nasaan?" tanong ni Leunize kay Xian.
"Nasa loob.." nanlulumong sagot nito sabay turo sa malaking steel door sa tabi nito.
"Hey, simulan na natin ang pagsosolve dito. Ayokong paglabas dyan ni Camille ay kulay blue na siya." seryosong wika ni Chanel.
Sinimulan na nila ang pagsosolve kahit hindi nila alam kung paano.
Sa gitna ng pagso-solve nila, may napansin si Chyarrel.
"Um, guys, kulang tayo."
"Huh? Ano bang sinasabi mo dyan, Chyarrel?" kunot-noong tanong ni Angelika na busy sa ginagawa niyang pag-iisip.
"Hala! Oo nga 'no!" segunda ni Quincy nang mapansing wala sa tabi nila ni Lyka si Christian John. "Nawawala si Christian John!"
"Si Diomel din nawawala!"
"Pati si Angelo!"
"Waaah! Saan nagpunta si Julius?!"
***
"Nandito na kami!"
Napalingon sina Jeremiah para makita ang grupo nina Chilles, Ronalyn, at Cricel na kumakaway sa kanila.
"Buti nakarating kayo nang maayos." binigyan sila ni Christian Oliver ng isang tipid na ngiti.
"Strong kami eh." sabi ni Cricel.
"'Ge. Share mo lang." Inirapan naman ito ng huli.
"Sina Raymar?" tanong ni Ronagrace.
Tinignan sila ni Kevin. "Nasa loob pa," tinuro niya ang pinto. "Wala pa kaming balita."
Bumulong si Jona, "Sana okay lang sila."
"Okay lang 'yon! Sila pa ba?" pagpapagaan ng loob ni Cynnara sa kaibigan.
"Guys! Guys!" sigaw ni Chanel.
Kinuha ni Christian Oliver ang walkie-talkie at sinagot si Chanel, "Anong nangyari?"
"Nawawala sina Diomel, Christian John, Angelo, at Julius!"
"Ha?!"
"Okay.." Tumango si Christian Oliver. "Hahanapin namin sila. Asikasuhin niyo muna 'yong problema niyo dyan."
BINABASA MO ANG
MANSION 49 (2016)
Misteri / ThrillerUNDER MAJOR REVISION Normal na mga estudyante lamang sila mula sa section ng Perlas na nagbalak na magsama-sama upang magsaya. Ngunit sa kalaunan ng kanilang pananatili sa isang mansyon sa kakahuyan ay unti-unti ang pagsaksi nila sa mga 'di pangkara...