Prologue

15 1 0
                                    

Nabaling ang tingin ni Clara sa papel na nilapag ni Noreen sa harap niya. Binalik niya ang tingin kay Noreen na parang nagtatanong kung anong meron sa papel.

"Listahan ng mga pasalubong. Lahat 'yan ah! Pwedeng may labis pero walang kulang." Paliwanag ni Noreen. Inabot ni Clara ang papel at binasa ang mga nakasulat dito. Halos lumuwa ang mata niya sa dami ng bilin ni Noreen.

"Wow. Parang may patago kang pera ah?" Biro niya sa matalik niyang kaibigan. Muli niyang binasa ang mga nakasulat at napailing iling sa nabasang, "Pogi. Papi. Boyfriend material."

"Anong gusto mo? Bumili ako ng lalaki?! Tsaka kaka-break mo lang ah? " Singhal niya at pabagsak na nilapag ang papel sa kama niya kung saan sila naka-upo pareho. Humagikhik si Noreen at pinagpapalo pa si Clara.

"Ano ka ba, friend! Bonus na lang 'yan. 'To naman parang hindi bihasa sa ganyan dati." Umirap siClara dahil muli nanamang binabalik ni Noreen ang nakaraan.

"Best, kaya nga ganito na ako 'di ba? Nagquit na ako sa ganyan." Pabulong na sabi ni Clara.

Muli na naman niyang naalala kung ano siya limang taon na ang nakakalipas. Kung anu-ano ang mga kalokohang pinagagawa niya, pati na rin ang mga bagay na hindi niya dapat ginawa. Pero wala naman siyang pinagsisihan sa nangyari, dahil kung hindi dahil doon ay hindi siya si 'Clara' ngayon.

"Kung hindi dahil sa kanya." Bulong ni Clara sa isip.

Muli lang siyang nagising sa pagbabalik-tanaw nang magsalita si Noreen. "Eh kamusta na nga ba?" Seryosong tanong ni Noreen.

"I'm better. Better than yesterday." Sagot ni Clara.

"Sigurado ka? Baka mamaya magnga-ngawa ka sa Baguio ah. Baka doon ka pa mag-emote!" Hinampas ni Clara si Noreen. Sinapo naman ni Noreen ang balikat na hinampas ni Clara.

"Sira! Five years na ang nakakalipas, Best. Masyado nang sapat na ang oras na 'yun para mahilom ang lahat.." paliwanag ni Clara. Pero kahit limang taon na ang nakakalipas, aaminin ni Clara na sariwa pa rin sa ala-ala niya ang mga nangyari.

"Eh 'yung isa?" Muling napatingin si Clara kay Noreen.

"Still friends? Best of friends? Nag-usap kami noong isang araw. Alam mo na busy 'yun sa ibang bansa." Sinarado ni Clara ang bag niya. Nilibot niya ang tingin sa kwarto para makasiguradong wala siyang naiwan.

Binuhat niya ang malaking bag. Tumayo na rin si Noreen para yakapin ang kaibigan. "Ingat ka doon ah. Hanap ka ng pogi." Napairap nalang si Clara at pasimpleng napahagikhik si Noreen.

Sabay silang lumabas ng condo. Hinatid naman ni Noreen si Clara hanggang sa basement ng gusali kung nasaan ang kotse ni Clara. Kumaway si Noreen habang tinitignang makalayo ang kotse ni Clara sa kanya.

Habang nasa byahe si Clara ay nagpatugtog siya para naman hindi siya mabagot sa mahabang byahe. Dumaan din siya sa mga fast food at para may kakainin siya sa kanyang paglalakbay.

Alas dose siya nakaakyat ng Baguio, tama talaga ang desisyon niyang madaling-araw umalis ng Maynila. Kaagad siyang dumiretso sa hotel na tutuluyan niya sa isang linggong bakasyon. Imbes na magpahinga sa mahabang byahe ay nasipan niya kaagad na maglibot.

At dahil Disyembre ngayon, mas dumoble ang lamig sa lugar nito. Ito ang pangalawang beses na makaakyat siya sa Baguio. Noong unang beses niya ay may kasama siya... pero sanay naman siyang mag-isa at ginusto niya naman rin ito.

Umakyat siya sa mataas na lugar kung saan maraming puno. Napayakap pa siya sa sarili nang umihip ang malakas na hangin na nagdulot ng lamig sa kanya. Nilibot niya ang tingin sa paligid at napangiti sa kagandahan ng lugar.

Ibang-iba na nga siya kumpara noon. Ibang-iba na siya kumpara sa dating sarili na minsan na niyang kinamuhian. Ang daming nangyari, ang daming nangyari nitong nakaarang taon. Akala niya ay kilala na niya ang sarili niya pero hindi parin pala. Sa nagdaang limang taon tsaka niya lang napagtanto ang dahilan kung bakit... kung bakit siya nasaktan at nakasakit.

Sa buhay natin ay hindi natin maiwasan ang makagawa ng maling desisyon. Hindi dahil masama tayong tao pero kundi ay tao lang tayo--nagkakamali. Hindi perpekto ang buhay, darating sa puntong malulugmok ka pero iyon ang gagawin mong dahilan upang muli kang bumangon at mas maging malakas.

Marahil ito ang gusto ng Diyos para sa kanya.

Everything happens for a reason. Iyon ang pinaniniwalaan ni Clara. Wala siyang pinagsisihan, kung meron man siyang pinagsisihan marahil iyon ay nakasakit siya ng damdamin ng hindi niya sinasadya. Oo, hindi niya sinasadya. Nagmahal lang naman siya at nagpakatanga.

Napangiti si Clara nang maalala ang mukha niya, ang boses niya, ang tawa niya, ang mga bagay na ginawa nila, ang mga masasaya at masasakit na memorya...

"Thank you for that one guy who changed my game." Nilabas niya mula sa bulsa ang isang litrato na pinakatatago niya. "I'll never forget you."

Akmang pupunitin niya ang litrato nang may marinig siyang pamilyar na boses na tumawag sa kanya. "Clara?" Napaawang ang kanyang bibig habang unti-unting pinihit aang ulo para lingunin ang may pamilyar na boses.

Kaagad niyang napansin ang hawak nitong kamera. Inangat niya ang tingin sa mukha nito, nakangiti at nakatitig sa kanya ang dalawang matang medyo naniningkit na ilang taon na niyang hindi nakita.

Ngumiti si Clara bago binulsa ang litrato. "Hi! Long time no see?" Ilang taon na ba noong huli silang nagkita?

After all these years, muli silang pinagtagpo ng mapaglarong tadhana.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Game ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon