PROLOGUE

6.6K 196 4
                                    


Prologue

To live is to devour others, Gustuhin ko man o hindi kailangan kong pumatay.

Kailangan naming kumain para mabuhay. Wala na kaming ibang mapagpipilian pa. Ang uminom ng dugo ang siyang paraan namin para manatili sa mindong to.

Pero ilang taon na rin ang nakalipas ng napagdesisyonan kong huwag nang kumitil ng buhay. Tulad ko, naghihirap din ang tao para mabuhay naisip ko Sino ako para sayangin ang pinaghirapan nila? Sino ako para kunin ang buhay nila?

Nabubuhay ako ngayon sa dugo ng hayop at minsan nagnanakaw ako ng dugo mula sa blood bank. Pero hindi sapat ang mga dugong yun upang punan ang pagkauhaw namin sa dugo ng tao. Mas maraming sustansya ang dugo ng tao kumpara sa dugo ng ibang nilalang kaya mas nagbibigay yun sa amin ng mas malakas na enerhiya.

Walang lasa ang pagkain ng Tao samin. Lasang putik yun at nakakasuka!

Ilang daang taon na akong nabubuhay sa mundong to. Kabilang ako sa kukunting Bampirang natitira na nagmula sa unang henerasyon namatay ang pamilya ko ilang daang taon na rin ang nakakaraan.

Simple lang naman ang buhay ko. Kailangan ko lang namang uminom ng dugo araw araw. Matulog sa umaga at gumala sa gabi.

Nakakatawang isipin na sa tinagal tagal ko na dito sa mundo ngayon lang ako papasok ng paaralan.

Alam walang kwenta yun....pero napag-isip isip kong kailangang 'Mas' intindihin ko ang pamumuhay ng mga tao. Nagbabago ang mga tao bawat siglo. Kaya nararapat lang na masdan ko ang pagbabagong yun bago pa man ako mawala sa mundong to.

***************

Please Continue Reading di po kayo magsisisi...

D'Vlad: THE VAMPIRE & ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon