Devil # 22

4.4K 111 25
                                    

Chapter # 22

//

Uwian na. Napagpasyahan naming magkita ni Adrian sa may tapat ng gate dahil nga gagala kami ngayon after school. Pero asan na ba siya? Kanina ko pa siya hinihintay. Pero baka busy pa siya, leader din kasi siya ng section III-A.

" Eunice. " sigaw galing sa likod kaya naman napalingon ako. Ayan na pala ang hinihintay ko. After 1500000 years dumating din siya. 

" Ang tagal mo eh. " sabi ko sa kaniya ng makarating siya sa tabi ko.

" Sorry. Naglinis pa kasi ako ng room. " sagot niya habang hinihingal pa. " Tara na. " dugtong pa niya atsaka kami naglakad paalis ng school.

" Ayon na si Manong Felix. " sabi ni Adrian.

" Ha? Sino si Manong Felix? " pagtataka kong tanong. 

" Family driver namin. Pinasadya ko talaga na sunduin niya tayo para sa date natin. " paliwanag niya. Napatigil tuloy ako sa paglalakad. Wait. Ano daw? Date? Tama ba talaga pagkakarinig ko?

" Da-date? " sabi ko.

" Joke lang. Ikaw talaga. Tara na, para maaga tayo makauwi mamaya. " pagkasabing pagkasabi niya noon ay naglakad na ulit ako at sumakay na sa sasakyan.

Habang nagdradrive si Manong Felix ay nakatitig lang ako sa labas ng bintana habang nakasalpak sa aking tenga ang headset ng iPod ko. Feel na feel ko lang talaga ang malamig na hangin mula sa labas. 

" Hoy! " nagulat tuloy ako kaya agad kong tinanggal ang headset ko.

" Ba-bakit? " nagtataka kong tanong sa kaniya.

" Kanina pa ko salita ng salita dito di mo ko pinapansin. " paliwanag niya.

" Talaga? Sorry ha. Nakikinig kasi ako ng music. Di kita naririnig. "

" Tss. Bahala ka nga diyan. " pagsusungit niya, Yung totoo? Sino ba talaga ang babae samin, siya o ako? Kung makapagsungit akala mo babae eh.

" Tampo na siya. " ewan ko ba kung saan nang galing ang mga salitang yan. 

" Oo. Nagtatampo ako. " nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. Kung anu-ano kasi mga pinagsasasabi ko, ayan tuloy nahahawa na siya.

Hindi na ako nagsalita. Isinalpak ko na lang ulit ang headset ko at ipinagpatuloy ang pagdama sa malamig na hangin. Pero may isang problema. Parang ang bigat sa pakiramdam ng mga sinabi niya.

Oo. Nagtatampo ako.

Hindi kasi talaga ako sanay ng may lalaking kasama at lalong hindi ako sanay sa mga bagay na ganyan katulad ng pagtatampo. A-anong gagawin ko?

He's A Devil [Fin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon