CHAPTER 13

273 15 1
                                    

The Mansion.

Kate.

Pumasok kami sa loob ng Mansion nila, grabe ang laki talaga! Mas malaki pa to sa Mansion namin sa Laguna.

"Do you want to sit here or come with me in my bedroom?" Tanong niya. Wala naman akong narinig na kung ano sa boses niya.

"No, dito nalang ako siguro" sabi ko saka umupo sa napakalaking sofa nila.

"Wait for me here okay? Tawagin mo lang ako pag may kailangan ka" sabi niya kaya agad naman akong tumango, umakyat na siya sa kwarto niya at ako naman ay naiwan dito.

Ang ganda talaga ng bahay nila....

"Goodafternoon maam.." .

"Ay bahay!" Nagulat ako ng may biglang nag salita sa harap ko.

"Maam sorry maam, hindi ko po sinasadyang gulatin kayo. Ilalagay ko lang po sana yung snacks niyo ni sir" sabi nung maid na may bitbit na malaking tray.

"Ah h-hihi. Hindi naman ako nagulat k-konti lang" sabi ko. "Sige po paki patong nalang diyan, salamat"

Agad namang pinatong ng maid yung mga snacks sa mesa.

"Ate, sigurado ka bang snacks lang to? Eh ang dami dami oh" sabi ko sabay turo sa mga pag kain. Marami naman talaga eh. May salad, soup, cake, spaghetti, carbonara at iba pa.

Natawa si ateng maid sa sinabi ko, ano bang nakakatawa dun?, "yes maam, snacks niyo po yan ni Sir"

Nag paalam siya na babalik daw siya sa kusina, siyempre nag pasalamat muna ako.

Tumingin ako sa pagkaing nasa harap ko. Kakainin ko ba to?

"Tikman ko nga" kinuha ko ang tindor saka tinikman ang carbonara.

"Ang sarap" sabi ko saka sinunod ang spaghetti. Sa sobrang sarap ay hindi ko namalayang naparami na pala ako ng kain.

"Im home!" Napalingon ako sa pinto ng may biglang sumigaw na babae.

Maganda siya saka maputi, may kataasan din pero mas mataas ako ng konti. Konti lang talaga. Marami siyang dalang shopping bags. Dinaluhan siya ng mga maids at inalalayan sa kaniyang mga bitbit.

Sino to? Girlfriend siguro ni Majimbo.

Dahan-dahan kong nilagay ang tinidor sa plato. At pasimpleng umayos ng upo.

Nang tumingin ulit ako sa babaeng yun ay agad na nag tama ang paningin namin.

"Oh my!" She exclaimed at talagang tinakpan niya pa ang bibig niya.

Tumakbo siya papalapit sakin, muntik pa nga akong matawa dahil para siyang bata. Cute.

"Who are you?" Tanong niya na parang interesadong-interesado! Bigla kasing lumaki ang kaninang singkit niyang mata.

"Im—"

"Are you one of Seik's playtime girl? No! Masyado kang maganda para maging play time ni Seik!" Nagulat talaga ako ng bigla siyang lumuhod.

"Ahh h-hihi ate, ahh hindi po ako playtime ni Seik–"

"Eh ano ka niya? Maid? Noooo! Masyadong masyadong masyado ka ring maganda para maging maid." umakting siya na parang umiiyak kaya tumawa ako.

"Haha! Im his friend po" agad siyang tumayo at inayos ang sarili nang sinabi kong friends lang kami. Wait, friends ba talaga kami ni Majimbo?

"Friend ka niya? Friend lang? Ba't friend lang?" Ano bang pinag sasabi nito? Seik nasan ka na ba?

"Friends lang po talaga kami" sabi ko. Umupo siya sa tabi ko saka ngumiti sakin. Hihi ang cute niya talaga.

"Im so sorry for being OA ha?" Sabi niya saka kumuha ng isang slice ng cake. "Its just that masyado kang maganda para paglaruan ng kapatid ko." So magkapatid pala sila.

"Ah. Hindi naman po ako maganda"

"Indenial ka lang" Indenial? Ako? Eh totoo naman ah? Hindi ako maganda.

"Teka, ikaw ba ay kusang pumunta dito o si Seik ang nag dala sayo?" Tanong niya saka nilapag ang platong pinag kainan niya sa mesa.

"Pinilit niya po ako, magkasama kaming pumunta dito." sabi ko. Baka kasi isipin niyang pumapasok lang ako dito kahit walang alam si Seik.

"Oh my gosh!" Napatakip pa siya ng kaniyang sa kaniyang bibig.

"Bakit po?"

"Its unbelievable" sabi niya pa. Unbelievable ang alin?

"Huh?"

"Hindi mo ba alam?"

"Ang alin po?"

"Ikaw ang pinakaunang babaeng sinabay ni Seik papasok sa bahay na to, pag pinapapunta niya kasi ang mga playtime niya dito, hindi niya sinusundo, tintext niya lang na dumiretso sa guest room."

Natigilan ako sa sinabi niya. Ako? Ako ang pinakaunang babaeng sinabay ni Seik papasok sa mansion na to? Bakit?

"Ano ka ba talaga ni Seik?" Nagulat ako sa tanong niya dahil this time, seryosong-seryoso na talaga siya.

"Frien—"

"Girlfriend. Shes my girlfriend"

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now