Chapter 34

1.6K 62 4
                                    

Mike Pov!

Kanina pa ako nakaupo dito sa loob ng kotse ko pero wala pa rin siya. Nakailang ulit na rin akong pasulyap.sulyap sa relo pero hanggang ngayon hindi pa rin siya dumarating kahit alas syete na ng gabi. Halos one and a half hour na akong naghihintay dito dahil yun ang nakaugalian ko ng kami pa alas singko trienta pa lang nandito na ako. Napangiti na lang ako ng mag.isa dahil naalala ko na walang palya ang pagiging late niya lagi sa usapan namin sa tuwing may lakad kami.

"Bakit pa ba ako nagtataka?"

Tumunog ang phone ko kaya agad ko itong kinuha at sinagot dahil akala ko kung siya na.

"He-hello?"

"Why did you cancel our photoshoot today? By the way where are you? Let's have a dinner tonight."
pinatong ko ang kamay ko sa manibela ko dahil sa totoo lang naiinis na ako sa babaeng to, kay Trisha.

"I can't. Sige na ibababa ko na ito. Nagpapahinga ako."

"Don-..." pinutol ko na ang tawag niya pero tawag pa rin siya ng tawag kaya blinock ko na lang siya. Naiirita na ako sa kanya.

Tumunog ulit ang phone ko at rumihistro ang pangalan ng babaeng pinakamamahal ko.

Baby Bunch calling....

Pero agad ko itong inend call para ipakita sa kanya na wala na siya para sakin kahit ang sakit na na ginaganito ko siya pero ang lahat ng ito ginagawa ko para sa kanya kaya handa akong magtiis at masaktan kahit alam ko na nasasaktan ko rin siya dahil darating ang araw na maiintindihan niya kung bakit ko ito ginagawa at siya naman ang iniisip ko.

Napasulyap ulit ako sa relo. 7:20 na. Nasaan na kaya siya? Napasandal na lang ako sa likuran at ipinikit ang mga mata ko. Darating naman siya.

***********

Naalimpungatan ako ng may bumusina sa labas at napatingin ulit ako relo ko. Alas otso na? Nakatulog pala ako sa kakaantay sa kanya.

Napalingon ako sa loob ng restaurant kung nandoon na si Lory pero hindi ko siya makita. Baka dumating na siya kanina ng nakatulog ako tapos umalis na ng hindi niya ako nakita at iniisip niya na hindi ko siya sinipot.

"Naman! Bakit pa ba kasi ako nakatulog?"

Umilaw ang cellphone ko at agad kong binasa ang mensahe niya.

'Hintayin mo ako baby bunch ok? Mahal pa rin kita. I love you.'

Napangiti na lang ako bigla dahil aaminin ko hindi pa rin nababawasan ang nararamdaman ko sa kanya. Mahal na mahal ko pa rin siya at habang tumatagal na binabalewala ko siya mas lalong sumasakit ang puso ko at nadadagdagan ang galit ko sa sarili ko.

'Oo na. Hihintayin kit-...'

Binura ko ulit ang tinype ko. Hindi tama to. Kailangan ko ng pangatawanan kung ano ang sinimulan ko. Umaasa ako na maiintindihan niya ako pagdating ng oras na malaman niya ang lahat. lahat.

Itinago ko na lang ito sa bulsa ko para pigilan ang sarili ko na replayan siya. Mas makakabuti na yun.

Nag.antay pa ako ng ilang segundo, minuto at oras na halos nakatingin na lang ata ako sa relo ko kung hindi naman sa cellphone ko na inilabas ko ulit.
9:45 na pero wala pa rin siya.

Nag.aalala na ako sa kanya dahil baka may nangyari ng masama sa kanya. Wala naman sana. Mahal na mahal ko pa rin siya.

"Puntahan ko kaya sa company nila? Wala namang masama. Hindi naman ako magpapakita sa kanya."

Iistart ko na sana ang kotse ko ng may tumigil na taxi sa harap ng restaurant na kasalukuyang nag.aayos na at lumabas siya. Hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil walang oras na hindi ko ginusto na makita siya at makausap ulit at ito na ang pagkakataon na yun. Sana hindi ako bumigay mamaya.

The Billionaire's Fake Idiot FianceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon