YURI's POV
Ang lapit lang kaya ng bahay na tinutuluyan ko mula sa building na pinagtratrabahuan ko. At kailangan ba talaga na sunduin ako don para lang ibigay ang I.D ko?
Dapat 20 minutes lang ang byahe pero pa'no eh ang traffic kasi daw may banggaan don sa unahan. Tahimik lang ako sa loob ng kotse niya siyempre, walangya ko naman siguro pag nag-ingay ako eh di naman kami close. Bwesit! Ang bango ng lalaking 'to. Nakangiti pa ang loko. Baka ospital diretso ko nito pag nahimatay ako sheyte!
Nakatingin na lang ako sa labas. Kasi parang awkward, artista at sikat yung katabi mo. 😒
Ryle: "You okay?"
Yuri: "Yah!"
Ryle: "Ang tahimik mo yata!"
Yuri: "Ano gusto mo? Iiyak ako?"
Ryle: "Laughtrip ka din no!"
Naakarating na kami sa kanto papasok sa amin.
Yuri: "Dito na ako."
Ryle: "Maglalakad ka?"
Yuri: "Oo, bakit?"
Ryle: "Gabi na... hatid ka na namin.. kuya? Makakapasok ka ba ?"
Yuri: "Gusto mo ba pagkaguluhan don? O pagtripan ng mga tambay?"
Ryle: "Di naman nila ako makikita eh.. sige na kuya.."
Siraulo pumasok talaga kahit masikip yung daanan. Nahihirapan na si Manong Driver. Hanggang dumating kami sa labas ng bahay. Halos 1 hour din ang inabot namin.
Bumaba na ako sa kotse, ang loko bumaba din. Pinapahamak talaga sarili. Nakasalamin siya at sa tingin niya di na siya makikilala. Loko talaga tong tao to.
Kristin: "Yuri.. OH?" 😮
Ryle: "Hi. You must be Kristin?"
Kristin: "Yes yes yes. Hi Bunso.." 😍 parang tanga tong si Kristin.
Yuri: "Oh sige na. Pasok na kami. Salamat ha. Salamat din sa pagsauli ng ID ko. Sige na uwi ka na.."
Tita: "Yuri? Papauwiin muna bisita mo? Saktong sakto nakahanda na yung hapunan namin. Halika iho, gusto mo ba sumabay sa amin sa dinner?"
Kristin: "Ma, kung maka dinner ka naman, kala adobo yung hain...tinapa yung ulam natin nakakahiya.."
Ryle: "Hehe ayos lang po ako. Salamat na lang po.."
Tita: "No iho, I insist hahaha.. kahit nakakahiya sa iyo. Minsan lang naman to eh!"
Ryle: "Ah eh ah hehehe sige po, game ako diyan.. "
Tita: "Good. Isama mo na din yang driver mo.. hali kayo pasok!"
Si Tita naman oh. Nakakahiya talaga kay Ryle, ang liit lang ng bahay namin compare sa kanila tapos hanggang dito amoy na amoy yung tinapa at tuyo. Seryuso si Tita ha?
Nagpalit muna ako ng damit pangbahay at tsaka dumiretso na sa hapagkainan. Nakangiti lang naman si Ryle.
Yuri: "Ryle pasensya kana sa ulam ha. Sabi ko sa iyo umuwi ka nalang eh.."
Ryle: "No, its okay. I love the smell, parang masarap ang pagkaluto."
Kumain na kami at nagkipagkwentuhan lang si Tita kay Ryle, di na ko nakinig. Pagkatapos namin kumain, ilang saglit palang ay nagpaalam na si Ryle kaya hinatid ko siya sa labas.
Ryle: "Thank you sa dinner."
Yuri: "Nabusog ka ba?"
Ryle: "Of course. I would like to eat tinapa at tuyo again. Hahaha!"
BINABASA MO ANG
FAN BE LIKE 😘 [Completed]
FanfictionROMANTIC COMEDY. Naranasan mo na bang maging isang fan ng sikat na personality? A story of an ordinary fan girl na naging komplikado ang buhay nang makilala niya ang isang Famous Boy Group. He is in love with her. But, she fell for another. What wou...