Tahimik na ang gabi.Nakahiga si Draven sa kwarto niya habang tahimik na tinitignan ang mga bituin. Transparent ang kesame ng kwarto niya kaya tanaw na tanaw ang langit.
Gustong gusto niyang makita ang langit kapag gabi. Tuwing umaga umaalis siya sa kwarto niya at pumupunta sa underground ng bahay niya upang dun matulog. Tahimik kasi dun at madilim.
Habang nakatingin siya sa langit bigla nalang may bumagsak na patay na katawan ng isang babae sa kesame niya kaya dali dali siyang lumabas at umaakyat sa bubong.
(Aminin nyu ang gwapo ni Kyran! 😍)
"Huwag ka ngang magkalat dito Kyran! Saan mo naman nakuha ang babaeng yan?" Tanong ni Draven sa nakangising si Kyran.
"Dyan lang sa tabi tabi. Pasalubong ko sayo. Baka kasi nagugutom ka na" sabi ni Kyran habang nakangisi.
Kumunot naman ang noo ni Draven sa sinabi nyang yun.
"Linisin mo yang kalat mo! Siguraduhin mong walang mantsa ng dugong maiiwan! Baka di ko makita ng malinaw ang bituin mula sa kwarto ko!" Galit na sabi ni Draven
"Kalma lang Draven! Ikaw na nga tong binibigyan ng pagkain ikaw pa tong galit?"
"Tss!" Sabi ni Draven sabay tingin sa bangkay ng babaeng nakahilata.
"Ano? Banatan mo na!" Utos ni Kyran sa kanya.
Pinuntahan naman ni Draven ang bangkay at saka sinuri ang itsura into.
Napakunot ng noo si Draven ng makita ang babae.
"Paano mo siya pinatay?" Seryusong tanong niya kay Kyran.
"Dating gawi!" Sagot ni Kyran
Nilapitan niya si Kyran at saka kwenelyuhan.
Seryuso at galit niya ulit itong tinanong. Nagbago ang kulay ng mata niya at naging pula ito.
"Teka... Teka naman Draven! Hindi ko siya kinagat! Kung tinatanong mo ang bakas ng ngipin. Wala kang makikita! Sinaksak ko siya sa leeg! At kung galit ka dahil baka may naiwan na laway diyan sa leeg niya? Wala! Kasi gumamit ako ng straw!" Pagbibiro pa ni Kyran.
"Tignan mo siya!" Sigaw ni Draven kay Kyran.
"Bakit ano bang problema sa kanya?!"
"Di ba sabi mo nakita mo lang siya sa tabi tabi?!" Galit na tanong ni Darven.
"Oo! Nakita ko lang siya sa daan. Wala naman sigurong problema dun di ba?!"-Kyran
"Tanga ka! Kilala mo ba kung Sino yang pinatay mo?!" - Draven
Bigla namang napatingin si Kyran sa bangkay.
"Anak siya ng isang Hunter tanga! Nakita mo yung kwentas niya?!"- Draven
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...