CHAPTER 14

346 13 2
                                    

Joke.

Kate.

"....she's my girlfriend"

Hanggang ngayon ay hindi ko parin makalimutan ang sinabi ng Majimbong to kanina!

Aba sabihin ba naman niyang girlfriend niya ako sa harap ng ate niya! Take note, ate pa niya yun,as in sister! Napahiya talaga ako!

Nasa kalagitnaan kami ng byahe pabalik ng school ng bigla siyang nag salita, ulit, "Look Berry, it was just a joke okay? Don't take it seriously."

I just sighed. Hindi na ako nag salita, baka kasi mawalan siya ng focus sa pagmamaneho at maibangga niya tong sasakyan. At isa pa, kanina pa niya inuulit na hindi niya daw sinasadya. Joke lang daw yun. 'Wag ko daw seryosohin.

Isa lang naman ang nais kong marinig eh, yung word na "SORRY" . Kaso ano ba naman ang aasahan ko? Isang mayabang na Casanova mag sosorry? In my dreams tss.

Nang makarating na kami sa school ay bumaba na ako ng sasakyan. Sumunod naman agad sakin si Majimbo.

Nasa koridor na kami ng 4th year pero hindi ko parin siya pinapansin. Wala kase akong balak makipag usap sa lalakeng to!

"Kate"napatigil ako sa paglalakad at agad na napalingon sakanya ng tawagin niya ako sa sarili kong pangalan. Tama ba yung narinig ko? Tinawag niya akong Kate?

Kahit gulat ay hindi ko parin siya kinibo, sa halip ay tinaasan ko nalang siya ng kilay.

Mag lalakad na sana ako ulit pabalik sa room ng bigla siyang nag indian sit saka pinag krus ang dalawang kamay.

"Ano nanaman bang kadramahan to?" Inis kong tanong sakanya.

"Hila" sabi niya sabay abot ng isa niyang kamay sakin kaya kumunot ang noo ko.

Nababaliw na ba siya? Bat ko naman siya hihilain?

"Tumayo ka nga diyan" inis kong sabi sakanya.

"Hila nga" Napatingin ako sa relo ko, 3:26pm na!

"Bahala ka sa buhay mo!" Sabi ko at akmang tatalikod kaso bigla nanaman siyang nag salita.

"Sige ka, pagagalitan ka ni Miss pag hindi mo ko kasabay." Aba! Wala akong pake kung pagagalitan niya ako!

"So?"

"So I'll tell her na e report ka sa office dahil binuhusan mo ako ng chocolate. And it's part of bullying."

Bwiset! Nang blackmail pa talaga!

"Hali ka na nga!" Kahit labag sa loob ay hinila ko siya. Ayokong ireport! Kabago-bago kong estudyante may mag rereport agad sakin!? Aba no way!

"Hoy Berry, sabi ko hila lang hindi chansing!"

"Ang kapal talaga ng mukha mo!" Nabitawan ko ang kamay niya bg nasa harap na kami ng room.

Okay na sana eh. Okay na kasi hindi ko siya nakasabay, kaso-"Ayyyyiieeeeee" tili ng mga kaklase

Nagulat ako ng bigla akong inakbayan ni Seik dahilan ng pag sigaw ng kaklase namin.

Ano bang problema niya!?

"Bitawan mo nga ako!"

"Mr. Stanford and Ms. Celiz! Go back to your seat!" Biglang tumahimik ang klase nang sumigaw na si Miss.

"Sorry miss" sabay naming sabi ni Seik. Eh kung hindi ko sana nakasabay kanina ang majimbong yun edi sana walang problema!

Pinag patuloy ni Miss ang discussion. Siyempre nakikinig din ako, ang kulit lang nitong si Ezi dahil tanong ng tanong kung ano daw nangyari samin ni Seik. Eh wala namang nangyari samin ah?

THE CASANOVA'S LOVE | SLOW UPDATE | CHRISTARIESWhere stories live. Discover now