Chapter 1

295 9 0
                                    

"Edenly makinig ka pag nandoon ka na sa lola mo ayaw na ayaw kong makikipaghalubilo ka sa mga hindi mo pa kilala naintindihan mo?"
Seryosong sambit ng ina nitong nakasuot ng pulang mamahaling damit. Mamayang hapon na ang flight ng mga magulang niya kaya hinatid na siya nito sa bayan ng Crucifix. Tila walang naririnig ang dalaga at patuloy lamang sa pagtingin sa tanawing nadadaanan nila.
"Edenly Rose nakikinig ka ba sa ina mo?" Lumingon ang ama niya na nagdadrive ng kotse sa gawi niya ng namataang hindi ito nakikinig.

"Yes dad." Simpleng sagot niya sa ama nito.

"Dapat kasi sumama ka nalang sa amin. Bakit ba ayaw na ayaw mo kay Aaron? Mabait naman siyang bata ah tsaka mayaman ang pamilya nila. He can give you everything Edenly."
Giit ng ina niya as if mababago pa ang desisyon niya. Ipinikit na lamang niya ang kaniyang mga mata at sinaksak ang earphone sa tenga. Nagsisimula na naman ang ina niya sa pagiging mukhang pera. Ilang minuto ang lumipas ng maramdaman niya ang kakaibang temperatura ng palagid. Marahang hinaplos niya ang mga braso niya dahil sa lamig ng lugar. Kung kanina ay may nakikita pang araw, ngayon naman ay parang nasa north pole siya sa sobrang ginaw at  napaka cloudy ng langit. Na para bang anytime ay uulan. Isang malaking sign board ang nabasa niya. 'Welcome to Crucifix' ang nakasulat. Ewan ba niya kung ba't siya kinikilabutan ng mabasa iyon. Ilang minuto lang ay nakarating sila sa bahay ng lola niya. Kulay puting gate na malaki at may naka engrave na Volkov residence. Mahigit labindalawang taon din siyang hindi nakapunta sa lugar na ito dahil busy siya sa pag-aaral. Lalo na't isa na siyang kolehiyala. Lumabas ang isang sopistikadang babae sa magarang mansiyon nito. Halata ang katandaan nito lalo na sa visible na kulubot sa mukha subalit masasabi mong napakaganda nito noong ito'y nasa kabataan pa. "Elly, Marcos, apo."
Nakangiting lumabas ang Ginang at niyakap ang apo nito. Ngumiti lamang ang mga magulang niya at kinumusta ito. Pumasok na ang mga ito at nagpaiwan muna siya sa labas. She wants to roam around pero natatakot siya sa ambiance ng lugar. Sobrang laki ng mga bahay dito sa Frexenov Subdivision. Wala din siyang nakikitang tao na lumalabas.
Sandaling nakatayo pa siya sa labas ng kotse nila at napatitig sa kulay itim na lambhorgini na unti-unting dumaan. Sa hindi malamang dahilan sumikdo ang dibdib niya ng lumingon ang isang hindi pamilyar na lalaki sa gawi niya. Nakahawak ang kaliwang kamay nito sa steering wheel at nasa bintana naman ng kotse ang kanan. Sobrang amo ng mukha nito at parang hinihigop ang buong pagkatao niya sa uri ng mga titig nito. Nagmamadaling pumasok siya sa loob habang hawak-hawak ang puso niyang sobrang bilis ng tibok. "Oh, Edenly bakit parang takot na takot ka diyan?" Nakakunot-noong tanong ng ina niya. "W-wala po. Napagod lang po ako sa biyahe kanina. M-magpapahinga na po ako." Tuloyan siyang umakyat sa taas ng kwarto niya at humiga. Nagugulohan pa rin siya. Parang may kakaiba sa binatang nakikita niya. Kakaiba ang anyo nito maging ang kulay. Umiling na lamang siya at pumikit na para magpahinga.

[Edenly at the multimedia☝☝]

TBC
Zerenette

Blood Of FedorinTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon