Chapter 14: The Accident That Breaks Me Into Pieces

28.4K 391 8
                                    

Deicated sa kanya kasi siya ang gumawa ng cover photo nito. Thanks a lot honey!

_____________________________________________________________________________

Elize's POV:

"Hi best, i miss you! Anong gawa mo?" nakangiti akong tinitingnan si Megan na abala sa pagsusulat sa kanyang studio habang kausap ko siya sa fon.

(Eto best sinimulan ko na ang bagong designs ng bago kong collection. Kailan ka ba uuwi at miss na miss na kita?) sagot naman niya.

Napangisi ako saka lumapit sa pinto at kumatok.

(Ah sandali lang best ha? May kumakatok eh. Ill just check on it. Call you back okay?)

Okay!

Pagkabukas na pagkabukas ni Megan ay ganito ang kanyang itsura.

o_O Best? Elize!? OMG!

^o^v Hi!

Agad niya akong sinunggaban ng yakap at saka nagtatalon sa tuwa. Napatalon din tuloy ako.

"Ang daya-daya mo! Di mo sinabing nakauwi ka na..!" nakalabi pa niyang sabi at niyugyog ako.

"Oopps! Teka! Dahan-dahan makakasama sa baby." sabi ko kasi medyo nahihilo ako sa kaaalog niya.

o_O baby?! You mean?.... Di niya natapos ang sasabihin dahil nakangiti na akong tumango.

"Waaaaaahhhhhh!!!!! Talaga?!! Totoong totoo? Di ka nagbibiro?" pasigaw pa niya saka ako hinila paupo sa sofa.

"Oo nga! 6-7 weeks na."

"You mean nakabuo kayo before ka lumipad pa hongkong?"

Napangiti nalang ako. Oo nga naman nabuo ito ng di inaasahan pero masaya ako at may naiwang alaala si Micheal sa akin.

Marami pa kaming napagkwentuhan bago ako nagpaalam na uuwi na.

***** 

Bumalik ako sa trabaho bilang CEO ng aming kumpanya kaya naging abala din ako.

Lumipas ang buwan at medyo halata na ang aking tiyan na mag-aapat na buwan na rin. Konti na lang ang ginagawa kong trabaho dahil todo ingat kaming lahat at mababa daw ang kapit ng baby.

Nasa bahay ako ngayon dahil sabado kaya nagbabad lang ako sa higaan. Madalas kasi mabigat ang aking pakiramdam.

Here we go... Come with me... 

Tunog ng fon ko kaya agad ko itong sinagot.

[Best magready ka dadaanan kita. Mamimili tayo ng gamit ni baby!]

Ha!? Teka ang aga naman yata. Eh 4mos palang ang tiyan ko ah!

[Syempre kailangang mamili tayo ng paunti-unti para paglabas ni baby ay ready na lahat.]

Hay naku! Sige na nga daanan moko dito at tinatamad akong magdrive..

Okies! Papunta na ko! Ciao!

Nagbihis ako kaagad dahil alam kong pag si Megan ang nagyaya ay nasa malapit na ito. Di nga ako nagkamali dahil saktong matapos ako ay dumating na nga siya. Hindi ko na hinintay na umakyat pa siya para tawagin ako, bitbit ang shoulder bag ay bumaba na ako at deretsong sumakay sa kanyang kotse.

"Wow ha best, nabreak mo na ang record na pagiging mabilis magbihis ngayon. Dati kasi maghihintay pa ako. Ganyan ba ang nagagawa ng pagbubuntis?" nakangising pang-aasar niya sa akin.

Will You be My Babymaker? (Completed) + Special ChaptersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon