Back to school na. And since parang tradition naman na walang class every first day of school pagkatapos ng vacation or holidays, hindi na ako pumasok sa klase. Pumasok ako ng school pero hindi ako pumasok sa class room, magkaiba yata yun. Kaya nga naka-civilian ako today eh. Pwede naman kasing wag muna mag-uniform. Naka-dress lang ako na above the knee yung haba tapos wedge. Parang hindi sa school ang punta noh? At dahil nakaganun akong suot, tumambay lang ako sa favorite spot namin ni Jen sa quadrangle. Pangtambay lang pala yung outfit ko. Anyway, hindi ko nga din alam kung nasaan yung babaing yun eh, kanina ko pa tinitext pero hindi naman nagre-reply. Uwian na nung nagpakita s'ya sa'kin. Naabutan n'ya ako na nakatunganga sa bench sa quad. Bagong Taon na pero mukhang wala pa din s'yang pinagbago.
"Saan ka galing?" tanong ko sa kanya pagkaupo n'ya sa tabi ko. Nakaismid s'ya sa'kin. Nakapagitna sa'ming dalawa yung malaki n'yang bag. Wow teh, muntik nang sakupin ng bag mo yung buong bench ah. Muntik na akong malaglag.
"Ako pa talaga ang tinanong mo kung saan ako nanggaling? Sayo ko yata dapat itanong yan," sagot n'ya sa'kin. "Bakit hindi ka pumasok sa klase ni Sir? Lagoooot ka!" Nasira ng last two sentences n'ya yung mood ko. Bagung taon na bagong taon eh.
"Bakit? May klase ba? Kanina naman pumasok ako sa mga previous subjects natin pero walang prof ah--"
"Eh bakit sa klase ni Sir hindi ka pumasok? Sasabihin ko sayo, s'ya lang ang nagklase ngayon. Tapos dun ka pa hindi pumasok ah. Lagooot ka!"
"Ba't ako lagot? Isang absent lang eh." Pagbabalewala ko kunyari. Ang dali-daling bumawi sa subject n'ya. Minor lang kaya yun. Yung major nga namin walang pasok kanina tapos s'ya na minor lang meron? Ano s'ya? Joke?
"Ang init nga ng ulo ni Sir kasi ang daming hindi pumasok. Pero siguro kung pumasok ka, kahit ikaw lang mag-isa dun, hindi maba-badtrip yun. Ang kaso wala ka eh," sabi n'ya. Parang ina-assure n'ya pa talaga ako sa mga pinagsasabi n'ya na malakas ako kay Sir. At bakit naman ako papasok kung ako lang mag-isa sa klase n'ya? Hindi pa ako nababaliw para gawin yun. At higit sa lahat, hindi pa ako ready umamin. OKAY?
"May bukas pa naman. Pwede pa namang pumasok bukas, di ba?" Naiirita kong sabi. Ang dami-dami pa namang ibang araw para makabawi sa kanya. Tsaka isang ngiti ko lang dun okay na yon. Hahaha. Ang lakas ng tiwala ko sa sarili ko eh.
"Oo nga. Pero sabi ni Sir kapag daw nakita kita ngayon, papuntahin daw kita sa office n'ya eh." Talaga tong dalawang toh, kinukutsaba ka pa talaga n'ya? Mga plano n'yo eh, noh. Halatang-halata. At alam na alam talaga ni Sir na magkikita kami ngayon? Kahit pwede n'ya akong i-text ikaw pa yung ginamit n'ya? Huh, para-paraan din.
"Ako lang?" tanong ko, tinuro ko pa yung sarili ko. Baka hindi ako eh, baka may iba pang ako.
"Oo." Tangu-tango pa s'ya.
"Bakit ako lang? Hindi kasama yung ibang classmates natin na absent?" Anu toh diskriminasyon? Hindi naman s'ya masyadong halata n'yan?
"Eh pa'no ikaw lang naman yung absent, teh. Alam mo naman yung mga classmates natin, kahit may sakit pumapasok basta nandyan si Sir."
"Akala ko ba madaming absent kanina?"
"Joke ko lang yun. Ikaw lang talaga yung absent. Promise!" Tinaas n'ya pa yung kanang kamay n'ya. Kelangan talaga nagpi-pledge eh. Wala ka talagang kasing sinungaling.
"Eh di sana sinabi mo na lang kay Sir na nasa bahay ako--"
"Gagawin mo pa akong sinungaling? Eh ayun nga si Sir oh." Tinuro n'ya yung bintana sa third floor na overlooking sa quadrangle. At nandun nga si Sir, nakatingin sa'min. Nakahawak s'ya sa magkabilang bewang n'ya. Angas lang ng dating eh. "Pumunta ka na sa office n'ya."
BINABASA MO ANG
Class Starts When the Game Is Over
Non-FictionIt's a story about a student who seeks comfort in the arms of her Professor to fulfill the duty of her basketball player boyfriend. But what will happen if the boyfriend comes back and the professor keeps on pursuing her heart? Will she choose the o...