Waiting for my Girl (Short Story)

58 2 0
                                    

8:45 AM, Sunday

Sunday noon at wala akong magawa sa bahay. Ayun pagkagising na pagkagising sa umaga siya na agad ang laman ng isip ko. Isa akong hamak at simpleng lalaki na naghihintay sa muli niyang pagbabalik sa piling ko. Mga lampas dalawang buwan na rin ang nakalipas ng huli ko siyang nakita at nakausap, ni hindi ko nga alam kung ano ang dahilan ng biglaan naming paghihiwalay, hindi naman niya sinabi sa akin kung ano ang tunay na dahilan, basta na lang niya akong hiniwalayan, ewan ko kung bakit? Basta sinunod ko na lang siya, kahit alam kong masakit ito, masakit ito para sa akin, masakit isipin na basta-basta na lang mawawala ang lahat ng pinagsamahan namin na tila ay parang bula na kung puputok ay lalaho na at hindi na maibabalik pa. Ehh,maglilimang taon na sana kami sa susunod na linggo. Napahiga akong muli sa aking kama, naiisip ko naman 'yung mga panahong 'yun, 'yung araw na pinakamasaya para sa akin, 'yung araw na sinagot niya ako ng isang malaking Y.E.S. Simula kasi ng maghiwalay kami, lagi 'yung bumabalik sa isipan ko at nanghihinayang sa lahat-lahat ng pinagsamahan naming sa loob ng halos limang taon.

Haaaaayy! Napabuntong hininga na lang ako sabay bangon sa pagkakahiga ko sa kama at napaupo sa tabi nito. Bakit pa kasi pumayag ako sa desisyon niya? Bakit pa kasi pumayag ako na makipaghiwalay sa kanya, gayong wala naman siyang sinabi na dahilan upang hiwalayan ako? Kinuha ko 'yung larawan niya sa mallit na mesa sa tabi ng kama ko. Bakit? Ang laki ko namana g*go at pumayag ako sa desisyon mo. Tinititigan ko 'yung larawan niya ngayong hawak-hawak ko na. Hindi mo na ba ako mahal? Ayaw mo na ba sa akin? Kasi ako mahal na mahal pa rin kita hanggang ngayon. Mahal kita Aira, higit pa sa sarili ko. Sabay halik sa larawan ni Aira, please.... Come back to me...

3:31 PM, Sunday

Isang linggo na ang nakalipas na lagi akong ganito, balisa at nagkukulong ng kwarto. Naiisip ko pa rin siya. Kahit na ano gawin ko, hindi siya maalis sa isipan ko. Bakit ba ang lakas ng tama ko sa babaeng 'yun? Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko ng makalimutan ang lahat-lahat ng sa amin. Pero bakit parang may hinihintay ako? Hinihintay kong, baka isang araw, magtext o tatawag siyaat sabihing "Mahal pa rin kita Aaron, Sorry", pero wala, wala akong napala sa paghihintay sa pagpaparamdam niya. Ang hirap naman talaga niyang ibura sa isipan. Ang hirap niyang..---- Bzzt! Bzzt! ----- Naputol ang pagsesenti ko ng biglang tumuog ang cellphone ko. 1 message received from Miko.

Message:

"Uy, pare tama na 'yan! Kalimutan mo na siya! Ang dami pang ibang babae sa mundo. Mamayang 11pm sa tambayan, dating gawi, inuman tayo. May ipapakilala ako sa 'yong chicks."

Pagkabasa ko sa text niya , napaisip ako. Ito na ba? Ito na ba ang tamang panahon para makalimutan ko na siya? I will wait until midnight, kapag hindi siya magpaparamdam, kakalimutan ko na siya. Tatapusin ko na ang lahat sa amin. I will start a new life, a new beginning and I will move on.

I will wait until our 5th anniversary will end.

ClubHauz, 11:23 PM

Late na ako dumating sa tambayan naming magbabarkada. Siyempre nag-ayos talaga ako ngayon, nagpabango at nagpa-gwapo, may ipapakilala daw sila sa aking chickababes eh. Bago ako pumasok parang may nakita akong pamilyar na mukha. Parang nakita ko siya sa kung san man, ewan ko, guni-guni ko lang siguro. Pagpasok ko nakita ko ang daming tao, malamang club ito eh. Napansin ko 'yung ibang tao sa club nakatitig sa akin, may narinig pa nga akong nagsabi na "siya na ba?" Pero hindi ko sila pinansin, basta ang alam ko, nandito ako para magpakasaya at para makalimutan ko na siya. Nakita ko na ang table ng barkada, nasa may gitna sila nakaupo facing the mini stage. Nakita kong may dalawa pang bakanteng upuan na nakatalikod sa mini stage ng club. Doon siguro ako mauupo, pero bakit dalawa? Sobra ng isa. Ah, baka dito mauupo ang chickababes na ipapakilala nila sa akin. Haha.

Waiting for my Girl (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon