Kabanata 4

411K 13.3K 3K
                                    

Kabanata 4

"TUMBA? Agad?" Napatawa ako bigla at ibinaba ang baso ko. Kahit medyo nahihilo na rin ako ay pumahalumbaba ako at sinilip ang mukha niya.

"Uy! Attorney!" garalgal kong sabi, tinatamaan na rin ako dahil medyo nagiging apat na ang mata niya.

Dinutdot ko ang pisngi niya. He groaned and removed my hand.

"Iñigo!" Tumawa ako at pinunasan ang pinapawisan kong noo. "Paano ba 'yan, talo ka!" I cheered pero hindi siya umimik. Nakalaylay na ang kamay niya sa may gilid at nakatagilid ang ulo sa lamesa. He looks cute lalo na nang ngumuso siya.

Inihiga ko ang mukha ko sa tabi niya bago siya tinitigan. Kahit na medyo dalawa na ang mukha niya ay napakagwapo pa rin niya. The pointed nose, the reddish lips, the angled jaw. Halos mapamura ako sa isip habang ninanamnam ang kagwapuhan niya.

The Attorney just lost the deal! Ibig sabihin, susundin niya ang lahat ng utos ko! An evil laugh invaded my mind at nagsimula nang mag-lumikot ang utak ko sa mga gagawin ko.

"Shit, bagsak na?" Narinig ko ang boses sa may gilid ko kaya nag-angat ako ng tingin at napaayos kaagad ako ng upo.

"Sir Dash!" bati ko sa kanya at pumikit tsaka dumilat muli para maayos ko siyang tingnan.

"Thallia," ngiti niya. "Ano? Bagsak kaagad?"

Natawa ako at tumango.

"Oo, Sir! Pangatlong baso pa lang namin!" sagot ko naman. Tumawa naman siya at lumapit sa kapatid niya.

"Kuya Raf," Sir Dash tapped his cheeks at napaungol lang ang isa at tinulak ang kamay ng kapatid. "The fuck, Kuya? Tulog ka kaagad?" gulat niyang sabi at nilingon ako.

"Seriously? Is that only your third glass?" I nodded at umawang ang labi niya. Sumayaw ang mata niya sa tuwa at napahagalpak lalo ng tawa nang makitang bumubulong mag-isa si Iñigo.

"Damn, akala ko, joke lang na liquor intolerant 'to!" Hindi niya makapaniwalang sabi bago luminga na parang may hinahanap.

Tatlo lang sila na magkakapatid, the first one is obviously, Iñigo Rafael. The second one is Zeijan Ruais and the third one is Dash Rakiel. He's the youngest among the two pero sa tingin ko ay mas matured siya mag-isip kaysa kay Zeijan na napapalibutan ng mga babae.

I met these two when they visited Iñigo at his office, they talked to me while he was gone kaya kilala na nila ako.

Iñigo's matured and serious, too, like Dash pero mukhang nawawala na ang aura niyang gano'n dahil sa kalasingan niya.

"Hey ass, ano 'yan?" Sabay kaming napalingon ni Dash nang maglakad palapit sa amin ang nakakulay itim na na polo na si Zeijan.

"Kuya's asleep in just three glasses." natatawang sabi naman ni Dash.

"Oh?" Mabilis na napunta sa tabi namin si Zeijan na napahagalpak din ng tawa. "I know he's intolerant but I never expected him to be down at three!"

"Sir, 'di ba nag-iinuman kayo?" Napalingon ang dalawang magkapatid sa akin at sabay na tumango.

"Yep," they answered.

"But he never drink that much, maybe a shot or two tapos siya na ang lalantak ng pulutan. That's what he do palagi," sagot naman ni Dash. "Teka," he stopped.

"How did you make him drink this?" Turo niya sa paubos na bote ng alak.

"We had a deal," nakangisi kong sabi at sabay silang napatingin sa akin. Kitang-kita ko ang resemblance nilang tatlo ngayong malapit lang sila sa akin.

While Iñigo is oblivious about what's happening at ngumunguso lang habang nakahiga, ang dalawa naman ay nag-aantay ng sasabihin ko. Zeijan was just wearing a casual polo habang si Dash naman ay kumpleto sa suit and tie, kuhang-kuha niya ang ayos ng Kuya Iñigo niya.

Tempting The HeiressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon