FLASH

191 68 198
                                    

Nasa FX ako ngayon, pauwi na galing school. Hays 5:00 na pala ng hapon, ang bilis ng oras. Nasa pinaka back seats ako. Muni-muni ganyan, antuk-antukan. Isip-isip ng mga lecture bukas ni ma'am.

' O '

Then suddenly, biglang may sumakay na poging lalaki sa harapan ko.

Hay nako kung kasama ko lang siguro yung bespren ko nahimatay na yun.


Chinito.
Matangkad.
Mestiso.
Mukhang mayaman.
May dimples.
At ang bango bango!

EMEGED bes! Kamukhang kamukha niya si Cameron Dallas maylabs!

Ang puuurfect niya! Hahaha! May ovaries just exploded! Hahaha! Ang landi ko.


Tapos ako naman nagmamaganda ganyan. Pa-poise-poise pa. Pa-suplada effect ang ate niyo. Pabebe ganern, habang sumusulyap sulyap kay koyang pogi. SHITNESS! Ang cute niya matulog! Mygesh! Heaven na ba ito? Ang haba ng pilikmata niya, redlips pa with matching matangos na ilong. Oh diba, saan ka pa?



Maya-maya, napansin kong malapit na pala aako sa bababaan ko. Shet! Kaya dumadamoves na ako kasi bet na bet ko talaga siya! Kaya kinuha ko phone ko. Text-text effect kahit wala namang katext. Drama lang. Hahaha! Tapos itinapat ko kay kuya  yung phone ko nang pasimple. Pag click ko nung capture...











O________ O





Bes! Putcha lang! Shit! Shit!



May flash! MAY FLASH siya mga dre! Hindi lang flash! May tunog pa yung pagkapicture ko!

Kaya naman napadilat si kuya!


-__- "



I'm dead! Shit na malagkit! Napa "ay shit" nalang ako. Putchek! Gusto ko nang magpakuha kay Annabelle na chakadoll ngayon.



Dahil natatawa na siya sa kagagahan ko kasi halatang natataranta ako bigla, kaya nabitawan ko pa yung phone ko!! Punyeta! Epic!




Pagbaba ko ng FX nagmadali akong maglakad kasi hiyang hiya na ako sa kalandian ko.




Sumakay ako ng jeep papunta sa saktong destinasyon na pupuntahan ko. Di ko namalayan na sumakay din pala siya (si kuyang pogi) ng jeep na sinasakyan ko! Putchaaaaaaa!Katabi ko pa mga dre! Drama ako kunwari na walang nangyari. Patay malisya ganern. Kaya naisipan ko na lamang na mag bayad.


"Bayad ho!" Sabi ko. Siyempre itinapad ko yung kamay ko sa kaharap kong mga nakasakay kasi nahihiya akong hawakan yung kamay ni kuyang pogi.. Basta ganun!!

Pero bago makuha ng babaeng kaharap ko yung bayad ko, hinablot ito ni k-kuyang pogi sa kamay ko?!! Watdaep!

"Bayad daw!" Sabi ni kuyang pogi.

Ang ganda ng boses niya! At- at yung kamay niya... Ang lambot mga dreeeee!!! Aaahhhhh!!!

Yung kamay niya parang jelly ace alam niyo ba!!

Tapos may biglang bumulong sakin...

"Ikaw ha? Pinipicturan mo ko."

O_____O

Mga lola! OH MY GULAY! I can't breathe! Annabelle kunin mo na ako now na!!!

"N-napindot ko l-lang yun. Di ko sinasadya. Hehe." Sabi ko.

"Weh?" Sabi niya.

Nahihiya na ako!!! Arghhhhh!!

Kaya naman bumaba na ako agad ng jeep kahit wala pa sa destinasyon na pupuntahan ko tapos mga mare!!!.... Bumaba rin siya!

Sinusundan niya ako mag lakad. Putekkk!

At kinalabit niya ako..

"Hey miss! Ano pangalan niyo?" Tanong niya. Kaya humarap naman ako sakanya.

"R-red. Hehehe." Sabi ko. Arghhh! Nahihiya parin ako.

"Uhm... Ako nga pala si Paul."

---------

Hahaha! May napuntahan din pala ang mga kalandian ko! Hahaha! ONE YEAR AND THREE MONTHS na kami ngayon.

Oh diba! Biruin niyo, nang dahil sa flash na yan nagkakilala kami wahaha.
Kaya tandaan niyo.. Mas lamang ang malandi sa maganda. Hmpph!

Pero don't judge me huh! Maganda din naman ako.. Baliw nga lang hahaha.

--------

END


My One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon