Happy reading!! Enjoy. ;)
-------
Ako si Fed at lagi kong nakikita sa call history ng boyfriend ko na palagi niyang kausap yung barkada niya. Isang oras, dalawang oras, ganon sila katagal mag-usap.
Tinanong ko siya minsan kung anong pinag-uusapan nila, "Wala. Basketball lang." Sagot niya.
Yung convo nila sa messages palaging deleted kaya lalong hindi ako naniwala. Napa- paranoid ako. One time, kinalkal ko yung phone niya nang hindi niya alam. Nasa condo niya kami, at tulog siya.
Yung phone niya hindi ko mahagilap kaya pinag-ring ko.
Alam niyo kung saan niya tinago?
Sa loob ng dryer.
Tangina. Sinong hindi manghihinala dun diba? Palaging todo tago ang phone niya. Kinukutuban ako na baka hindi yun yung barkada niya at babae niya yun na pinalitan niya lang ng pangalan.
"Pupunta dito si Fed, bukas ka na lang punta dito. I love you."
Ganyan yung nabasa ko sa convo nila sa phone niya! Gigil na gigil na gigil na gigil ako! Sobraaaaa!!! Gusto ko siyang sapakin habang natutulog siya pero naisip kong mas exciting kung hulihin ko muna sila sa akto para pati yung babae, masapok ko!
Binalik ko yung phone niya sa loob ng dryer. Ginising ko siya at nagpanggap ako na parang walang nangyari. Pucha ang hirap! Gusto ko talaga siyang saktan dahil sa nalaman ko pero kinailangan kong mag act na okay ako.
"Bae, uwi na ako hindi ko pa kasi tapos gawin yung report ko." Sabi ko at tinanguan niya lang ako at pumikit na ulit.
"I love you." Pero tinanguan niya lang din talaga ako.
Arhhgg!!! Hindi siya nag I love you back kaya padabog kong sinara yung pinto at umalis na. Kaya pala ang weird niya na kumilos nitong mga nakaraang linggo, hindi niya na ako sinasabihan ng "i love you", kapag hahalikan ko siya gagawa siya ng rason para umiwas.
Humanda talaga sila ng hayop na babaeng mang-aagaw na yun. Tssk!
Kinabukasan, bumalik ako sa condo niya nang walang pasabi sa kanya. Tinanong ko yung kaclose kong receptionist dun kung may dumating na bisita yung boyfriend ko, at meron nga. Putekkkkk! Elevator palang iniisip ko na kung anong gagawin ko sa kanilang dalawa. Once na mahuli ko talaga sila, kokrompalin ko talaga yung babae tangina.
Pagdating ko sa condo niya, nakalock yung pinto. Kumatok ako. Pagbukas niya...gulat na gulat siya. Nakahubad siya at naka-twalya lang yung pangbaba niyang katawan. Hinarang niya ako kaya nagpumilit akong pumasok. Hah! Huli ka na sa akto hayop ka!
O_________O
Hindi ko ineexpect na ako pala ang mas magugulat....
Yung barkada niyang si Mark... NADATNAN KONG NAKAHUBO'T HUBAD SA KAMA NIYA!! As in walang damit na suot!!
-------
Umamin yung boyfriend ko na may relasyon sila. Nakipag-break ako siyempre. Hindi ko maimagine hanggang ngayon kung gaano siya ka-baboy. Imagine? May nangyari sa kanila, tapos may nangyari din samin? WTF.
Well sorry nalang siya sa mga sasabihin ko pero...
ISA SIYANG HAMPASLUPANG BAKLANG SOBRANG LANDI NA MAY RELASYON SA LALAKI NA KINAKAMA NIYA AT SA BABAENG WALANG KAALAM-ALAM NA GINAGAWA NIYA YUN NA KINAMA NIYA RIN NA GIRLFRIEND NIYA! SIYA AY WALANG HIYANG HAYOP NA GAGONG BAKLITANG TWO-TIMER NG BABAE AT LALAKE!!!!!!!!
Masakit ba yung mga pinagsasasabi ko?? Well mas masakit yung ginawa niya sa akin!
Whooooo!
Ang sakit sakit alam mo ba yun? Na makita ang lalaking karelasyon mo na ng 3 YEARS ay bakla pala. Ang hirap hirap hirap hirap tanggapin na ang lalaking sobrang mahal mo, ay may tinatago palang..... Kababalaghan.
-------
Madami na ang nagbago simula nang nangyare yun.
Pumunta si Fed sa States...and guess what??
Nagpa-SEX CHANGE siya doon at ngayon ay kasal na at may 3 anak. Matagal na din siyang nakamove on sa naging boyfriend niya na bakla at ngayon ay si FED na ang pinakamasayang LALAKE sa buong mundo.
-------
END.
-------
Wait for my next update ;) Mwahh<3
BINABASA MO ANG
My One Shots
HumorHighest Rank: #240 in Humor Gusto mo bang matawa? Maiyak? At kung ano ano pa? Try to read thid compilation of One Shots Story. Walang mawawala kung babasahin mo haha. Basta basahin mo nalang.. You won't regret it.