Chapter 6

165 11 0
                                    

[Evan's POV]

Boogshhh!!!

What the hell?!

Ang ingay naman oh shet natutulog ung tao eh!

"Arghh!!!Hoy Elise!!!! Pwede ba stop messing around with my kitchen!Ang aga aga ang ingay ingay mo!"

Paano ba naman kasi, 6 o'clock pa lang for Pete's Sake! Ang ingay ingay na nya puro kalansing ng kaldero at takip ng kawali ang naririnig ko and for sure sinasadya nya un para mapilitan na akong bumangon.

"Aba Oy Evan wag mo akong ma hoy hoy dyan! Tsaka anong maaga eh alas nueve na kaya! Bumangon ka na dyan bilisan mo!"

I took one final glance at my phone para tingnan kung anong oras na nga.
Tama nga si Elise 9 na pala.

Wala na akong nagawa kundi bumangon at mag suot ng plain white na V neck na shirt mahirap na baka pag nasahan pa ang katawan ko nung babaeng napaka daldal dun sa baba.

Well kung nagtataka kayo, I live alone here sa condo ko since pinalayas ako ng tatay ko or more like lumayas ako.
Kung bakit? Nah masyadong mahaba ang storya at tinatamad ako magkwento.

Pero bakit ba andito si Elise ngayon?
I mean madalas naman siyang nandito eh. Tyaka pumupunta lang yan dito pag may kailangan at ano naman kaya ang kailangan nya this time.

Ahhh... Yun nga palang deal namin about sa kanila ni Matt.Kahit masakit sakin kailangan ko pa din siyang palayain at tanggapin na talo na ako.
Haysss last na to at after ng deal na to I assure myself na mag momove on na talaga ako.


"Sa wakas bumaba na din ang pinakatamad na lalaki sa balat ng lupa!"

"Nag luto ka na ba?" Tanong ko sa kanya habang papunta sa counter to check kung may pag kain ba.

"Alam mo naman di ba na wala akong talent sa pagluluto."she said while picking up the mess on the floor.

"Hays ang tagal tagal mo dun sa Paris wala ka man lang natutunan sa pagluluto anong klaseng babae ka? You still haven't changed" kung ako siguro ang mag aaral sa Paris malamang ay matututo ako magluto ng French and Italian dishes.Magaling kaya ako magluto sus ako pa (^_^)v



"Eh ikaw anong klaseng lalaki ka ha? Tignan mo nga ang kalat kalat ng unit mo! Ewieee! Pati boxers mo nagkalat mahiya ka naman! Ano ba yan ilang buwan mo tong hindi nilinis aber so kung hindi pa pala ako aalis hindi pa pala to malilinis kahit papano!"

Hahha natatawa ako sa itsura na eh hindi maintindihan na ewan hahaha inis na inis nanaman sya. Pero may point din si Elise kasi sobrang kalat nga ng unit ko. Nawalan ako ng gana sa madaming bagay simula nung umalis siya eh.



"Evan!!!!!" Hays there's no need to shout grabe talaga tong babae na to.
Nagdadalawang isip na nga ako kung babae pa ba talaga siya because of her acts.

"Ano nanaman?!" Masanay na kayo ganto talaga kami mag usap pasigaw pero hindi naman kami galit.



"Bakit ang daming bote ng beer?! I thought we already talked about this?
Di ba sabi mo mag ququit ka na sa mga ganito?" Hahaha I can tell that she is really pissed off.


"Haha you know what para kang lola ko kung magsermon eh hahaha" lalo naman siyang nainis sa sinabi ko.



"I am not kidding Evan" she said in a low and serious voice. By that I can tell na talagang naiiinis na siya.


"Relax. It's just a few cans tyaka beer lang yan not too heavy. Maupo ka na nga ang daldal mo talaga nako gutom lang yan." Bago pa sya makaimik ulit ay hinila ko na siya at pinaupo. Then I served the food. Nagprito lang ako ng eggs and bacons since gutom na talaga ako.

We talked about things while eating.
Kinumusta ko din siya hanggang sa napunta na yung usupan about dun sa kanila ni Matt.



"Listen Evan, we don't have much time. We need to plan everything perfectly hindi tayo pwedeng mag kamali. Ikaw lang yung maasahan ko about this."

Silence filled this place for a moment.

"F-fine if that's what you want. Then let's start today."


I already decided. Mas maganda na din to. Kung magiging sila ng best friend ko, i will accept that. Kung mas mabilis magiging sila ay mas mabilis din siguro akong makaka move on.
I hope so......

Fall For YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon