Teaser

61 5 6
                                    


Noted: Teaser Palang Po

Bitter – Teaser

[Edited]

Dear: Ate Charo

Pasukan na naman, hindi ko alam pero hindi ako excited sa mga susunod na araw. Paano ba naman, ang bilis naman kasi matapos ang bakasyon na ito. Halos katatapos ko lang na pa-pirmahan ang clearance ko last week. At ang matindi pa doon ay hindi ko man lamang na enjoy ang summer dahil hindi pa ako nakapag-swimming. Puro plano pero nauuwi sa drawing.

"Anak tulungan mo nga ako dito. Malapit na raw ang papa at kuya mo" sigaw ni mama mula sa baba.

"Sige po ma!" sagot ko.

Matapos ayusin ang aking higaan ay dumiretso muna ako sa aking banyo upang gawin ang morning routine ko.

Pagkababa ko nakita ko si mama na naghahanda ng breakfast. Lumapit ako dito at bumeso. "Good morning ma!" masayang bati ko sa kanya.

"Good morning din anak, at kaawaan ka ng Diyos" sagot nito sa akin. Halika't tulungan mo ako dito" utos nito sa akin.

Sinunod ko ang utos ni mama at sinimulan kong ayusin ang mga pinggan at sa lamesa.

Busy kami sa pag-aayos ng mayroon kaming narinig na pagkatok na nanggagaling mula sa pinto.

"Anak, baka sila na 'yan" ani ni mama sa akin

"Sige ma, ako na ang magbubukas" sagot ko dito.

Lumabas ako sa kusina at dumiretso na sa sala at binuksan ang pinto.

Pagbukas ko nito ay nakita ko agad sina papa at kuya na nakangiti.

"Pa! Kuya!" Sigaw ko sa kanila.

"Anak!" Nakangiting pagtawag sa'kin nito.

"Papa na-miss po kita" sabay yakap ko sa kanya. Sa totoo lang eh, halos 2 weeks lang naman sila nawala para asikasuhin 'yong lupang binili nila sa Bulacan. Pero kahit ganoon na miss ko talaga sila.

"Sus! ito talagang bunso ko eh. Iyakin pa rin." Habang tinatapik-tapik 'yong likod ko.

"Papa naman eh!" Ang pagmamaktol ko kanya habang pinupunasan ang luhang galing sa aking mata.

"Paano naman ako bunso? Hindi mo ba ako namiss?" Sabi ni kuya

Humiwalay ako sa pagkakayap kay papa at humarap sa kanya.

Sinuri ko siya mula ulo hanggang paa. Tapos ay tinignan ko siya. "Hindi." Sagot ko sa kanya.

"Ay! sayang naman itong pasalubong kong pastillas para sa'yo" sabay taas ng pastillas.

Napatigil ako dahil favorite ko talaga ang pastillas. Tila nagningning ang aking mga mata noong Makita ko ang kanyang hawak. Hmmp! Dapat pala hindi na ako nagpabebe kay kuya.

Napatigil na lamang ako sa pag-iisip ng mapansin ko naman na papasok na ito papuntang kusina.

"Sandali Kuya!" Hinawakan ko ito sa braso upang pigilan siya.

"Bakit?" Tanong nito sa akin pero naka-pokerface.

Sa sobrang saya ko kasi may pasalubong sa siya sakin ay hindi na ako nakapagpigil ay lumundag ako sa harapan niya at yumakap sa kanya.

Habang nakapalupot ang mga kamay ko sa leeg niya at 'yong mga paa ko sa bewang niya. Pero hindi pa rin siya sumagot.

"Kuya~" Tawag ko dito. Nilambingan ko pa ang aking pagkakasabi. "Kuya~" pag-uulit kong sabi.

"Hoy! bumaba ka nga" sabi nito habang tinatanggal niya ang aking kamay sa leeg niya.

Hindi parin ako bumababa at pinaghalikan ko siya sa pisngi. Haha! kung alam n'yo lang doon ko siya napapasuko kapag nilalambing ko na siya.

"Tama na nga 'yan hahaha. Nakikiliti na ako" sabi nito habang tumatawa. "Ikaw talaga bunso alam na alam mo kung paano at saan mo ako lalambingin" dagdag pa nito.

Tinignan ko lang si papa na umiiling-iling at tumatawa. Pagkatapos sabihin ni kuya yun ay bumaba na ako sa kanya.

"Eh, kuya na-miss naman talaga kita." ang nakangiti kong sabi sa kanya. Habang pinagmamasdan ang pastillas na binili niya sa akin.

"Sinasabi mo lang 'yan kasi may pasalubong ako sa'yo." At nagpout pa talaga siya.

"Of course not, ikaw kaya ang pinaka favorite kong kuya" sabay kuha ng pastillas sa kamay n'ya. Mukhang masarap dahil punong-puno ang supot na pinaglalagyan nito.

"Ako lang naman ang nag-iisang kapatid mo." akmang babatukan niya ako ng awatin siya ni papa..

"Hoy! Hoy! huwag mong sasaktan ang prinsesa natin Sam" ang natatawang sabi papa.

Ako naman eh namumula dahil sa sinabi ni papa. Hindi ko alam kung kailan nagsimulang tawaging akong prinsesa pero hinayaan ko na lang, ganda ko kaya.

"Tsk! Papa naman pagdating talaga kay bunso ay prinsesa pala talaga ay napaka-protective mo hahaha." Sabi ni kuya.

"Parang s'ya hindi" Sabi ko sa isip ko.

Bago pa mapunta sa kung saan ang usapan ay niyaya ko na sila sa kusina para makapag-almusal na.

Nagkamustahan at nag-usap lang kung ano-ano.

"Nga pala anak, naayos mo na ba 'yung mga requirements mo sa school mo?" Tanong sa'kin na mama

"Opo ma" sagot ko dito habang umiinom ng gatas.

"Anak siya nga pala hindi porket na 4th year kana sa pasukan, ay hindi ka na sasabay sa'kin." Na tila nagtatampong sabi ni papa

"Syempre hindi po papa" pagtatanggi ko sa kanya. "Atsaka ikaw kaya ang boyfriend ko hahaha " dagdag ko.

"Paano naman ako?" Singit ni kuya.

"Ikaw pa kuya, S'yempre ikaw ng body guard kong pogi " ang nakangiting sagot ko sa kanya.

"Talaga!" Confident niyang sagot at nag-pogi sign pa ito, na siyang ikinangiti ko. Kung hindi ko lang 'to kapatid pinatos ko na ito. Yummysabi nga ni Coco Martin.

"Tama na nga 'yan nagseselos na ako kay bunso." Ang pagmamaktol ni Mama

"Ahahahahahah" yan lang naman ang narinig sa buong bahay. Sana ganito na lang lagi 'yong masaya lang, sabi nga ni Vice "Happy lang! Walang ending".


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Bitter With My ExxxxxWhere stories live. Discover now