LOVE :-)

10 1 0
                                    

                Hindi sapat ang mahal nyo lang ang Isat-sa para masabi mong kayo na talaga. Hindi sapat ang Mahal nyo lang ang isat-sa para masabi mong may POREBER na. Walang araw o oras na di nya sinabi sakin na mahal nya ako, nararamdaman ko naman. Siguro nga minahal nya talaga ako. Araw-araw pinaparamdam nya sakin yun. PAGMAMAHAL na kahit kailan di ko naramdaman sa Pamilya ko. Wala akong nakikitang signs na may iba sya.

                 Bawat umaga paggising ko, Mukha nya agad ang makikita ko. e-kikiss ang noo ko sabay sabing, 'bangon na PRINSESA ko, maligo ka na, at mag almusal na tayo para sabay na tayong pumasok.'   Sya sa trabaho at ako naman sa school. Nurse sya at ako naman Nursing. Sa katunayan ayoko nang Nursing yun ang gusto nang Parents ko. (nanay ko to be exact) para lahat daw kami sa Pamilya manggagamot. Ayoko talaga sa kursong yun, pero sabi sakin ni Vince sundin ko nalang daw parents ko, ano ba naman daw yung ilang taon na pagsasakripisyo ko, compare sa sinakripisyo nang parents ko sakin mula nung bata ako. Para daw pag nakatapos ako, tas nagkatrabaho, magagawa ko na yung mga bagay na gusto kung gawin. Tapos pwede naman daw ako mag aral ulit at kunin ang gusto kung kurso.

                   Sya palagi ang nagpapaalala sakin na dapat sumunod ako sa mga magulang ko, Sya palaging nagsasabi sakin na wag ako sumagot-sagot sa magulang ko pag pinapagalitan ako. Pinaparamdam nya sakin palagi na mahalaga ako, na karapat-dapat din ako mahalin, na kahit kailan di ko naramdaman sa Pamilya ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

bakit?Where stories live. Discover now