SEAN'S POV
I tried my best to recall one of mom's specialty dishes. And I knew exactly what to cook that would hopefully suit Bullet and Kensie's tastes.
Since parang in-laws kung umasta ang dalawa, I figured that it's better to impress them muna para naman payagan nila akong ligawan ang kaibigan nila.
"Do you guys have a food processor?" Tanong ko kay Page. Nakatayo lang siya sa likuran ko, almost with a surprised expression.
"We don't. Hindi kami masyadong nagluluto at home eh. But we have a blender, if you want to chop or puree something pwede siya. Sometimes ginagamit ni Bullet as a juicer. Ayun sa tabi ng microwave." Sagot ni Page sabay turo dun sa blender nila. Kaya naman pala, it's the all-in-one blender ng KitchenAid, ito yung matagal nang hinahanap ni mama sa mga department stores.
Habang hinihiwa ko yung onions, hindi ko inexpect na sasakit ang mga mata ko. Although I knew na ganito ang effect ng paghiwa ng onions, ngayon ko lang naexperience ang feeling. Hindi naman kasi nagrereact si mama pag naisipan niyang magluto at may halong sibuyas. I thought bearable lang yung hapdi.
Now I am forced to close my eyes from the pain and to prevent tears from falling. Pero sa sobrang sakit halos basa na ang mukha ko sa luha.
"You silly boy. Look here." Narinig kong sabi ni Page. Hinawakan niya ang shoulders ko at inikot para mapaharap sa kanya.
Naramdaman kong pinupunasan niya ang mukha ko ng table napkins.
"O to the M to the G!!! Nagbabahay-bahayan na ba kayo instead of cooking?!" OA na sigaw ni Kensie.
Dinilat ko ang mga mata ko pero blurred ang paningin ko kasi masakit pa rin ang mga mata ko.
"Funny, Kensie. Very funny." Sagot ni Page.
"Mega punas ka ng pawis ni loverboy eh. Kailangan ng kontrabida para masaya." Sagot naman ni Kensie.
Habang nagsasagutan silang dalawa pinagpatuloy ko na lang ang magluto. I'm not even sure kung tama ang ginagawa ko. I'm just recalling the way mom did it noong naisipan niyang magluto at naisipan kong magbasa ng libro sa kitchen.
I didn't help her though. I might have accidentally paid attention habang nagluluto siya. But I can't remember the measurements of the ingredients kaya habang nagluluto, sinasabayan ko ng panalangin na sana maging masarap at edible ang niluluto ko.
"Hindi ko alam marunong ka pala magluto despite your social status." Sabi ni Page.
"Hindi ko talaga alam magluto. Nagkataon lang na nasa kitchen ako nagbabasa nang magluto si mama. Siguro pinanood ko siya habang nagluluto at aksidenteng na-store sa memory ko yung ingredients at way ng pagluluto niya. This is the first time I held a kitchen knife and cooking pots."
"You seem like an expert to me. Alam na alam mo ang ginagawa mo just based from what you saw once. I can't even see any sign of hesitation from you considering it's your first time." Puri ni Page. Her compliments suddenly made me confident.
Sana lang maging successful 'tong niluluto ko. Or at least edible.
Lumipas ang isa't kalahating oras ng pagluluto at pagprepare ng dining table. Nakakapagod lalo't hindi ako makaupo man lang o kahit uminom ng tubig. I wonder how our maids do this for three times a day everyday.
BINABASA MO ANG
Doomsday High : Girls vs Boys (Teen Disputes)
Novela JuvenilAll hell broke lose nang magkrus ang landas ng tatlong Femme Fatale at ng tatlong alpha boys sa iisang school. Ang inaakala nilang "taas kamay with confidence" sa kanilang mala-first day eh naging DOOMSDAY high pala. Ang Suplado at Vain na si Theo V...