Teacher

8 1 1
                                    

Teacher? Ano nga ba sila para sa atin? Ano nga ba ang lugar nila sa buhay natin? Andyan lang ba sila para turuan tayo ng leksyon para sa pang-araw araw nating pagpasok sa eskwelahan?

"Ayan na naman si ma'am. Tsk. Hindi naman nagtuturo yan e. Ambagal bagal pang kumilos."

"Oo nga! Kung maglakad o? Parang pagong. Daig pa ng EDSA sa sobrang bagal umusad."

"Whooo! 30 minutes bago makapagsulat sa board? Isang sentence lang naman."

"Ma'am time na po!!!"

Ilan lang yan sa line ng mga kaklease ko. Sa isang ordinaryong guro, siguro pag narinig nya yan sa isang estudyante, pagsasabihan nya na agad at dadalhin sa guidance office. Pero si Teacher, Hindi nya ito pinansin. Nagpapatuloy lang sya.

Hahayaan na lang ba nya ang sarili nya na ginaganyan sya ng mga estudyante nya? Hindi nya man lang ba ito pagsasabihan? Minsa'y pumasok iyan sa aking isip.

Pero wala. Tila walang naririnig si teacher at patuloy lang sya sa pagtuturo.

Lumipas ang mga araw, lingo, at buwan, laging ganon lang. Papasok sya sa aming klase upang magturo at magbigay ng mga gawain na gagawin. Hindi nya sinasaway ang mga estudyante nya kahit na makita nya na harap harapan ang mga ito na nagcecellphone. Kahit na kapag nagsasalita sya walang nakikinig sa kung ano man ang sabihin nya.

At sa mga nagdaan, unti-unti kong nakikilala si teacher. May sakit si Teacher. Nagkaroon sya ng tumor sa utak noong 2007. Kinailangan nyang operahan. At dahil don, naapektuhan ang pagkilos nya. Ang pagsasalita nya. Ang physical appearance nya.

Minsan, naikwento nya sa amin, kailangan nyang uminom ng gamot araw araw para hindi sumakit ang ulo nya na inoperahan noong 2010. Napakamahal ng gamot nya. Pero kailangan nyang bilhin para maipagpatuloy ang buhay nya. Ang kasama na lang ni teacher ngayon ay ang mga magulang nya. Kasi,ang kakambal nya ay may sarili ng pamilya.

Nalulungkot ako para kay teacher at sa dinadanas nya. At nalulungkot din ako para sa mga estudyanteng pinagtatawanan ang ginagawang biruan ang kalagayan nya. Nakakalungkot isipin na wala silang pakialam sa nararamdaman ng kanilang guro na walang ibang inisip kundi ang kapakanan nila. Nalaman kong minsan din pa lang nahulog si teacher ng hagdan pero pinagtawanan lang sya ng estudyante nya. Minsan din, tinanong ko si Teacher na kung sa edad nyang 32, ay mag-aasawa pa sya. Pero ang sagot nya?

Hindi na ko umaasa na sa kalagayan kong ito, may magmamahal pa sa akin ng buo.

Nung sinabi nya ang katagang iyon, gustong gusto ko syang yakapin at sabihing, kung hindi ka man kayang irespeto at mahalin ng iba, nandito lang po kami teacher. Mahal ka namin.

Sa ngayon, si Teacher, nagpapatuloy pa rin sa pagtuturo. Pero madalas nya ng iniinda yung  sakit nya. At napagdesisyonan nya ng magresign sa susunod na taon.

Masaya ako kasi dumating sya sa buhay namin. Na kahit sa huling pagkakataon bago sya umalis sa paaralan, naturuan nya kami.

Bilib ako kay teacher kasi despite sa sakit na nararamdaman nya, sa kalokohan at hindi pagrerespeto ng mga estudyante nya, ginagawa pa rin nya yung best nya para makapagturo at maibahagi yung kaalaman nya.

Sabi nila, ang Teacher ang tumatayong pangalawa nating magulang. Nawa'y gaya ng pagmamahal na ipinapakita natin sa magulang natin, ganon fin ang pagmamahal na ibigay natin sa guro natin. Dahil kung wala sila, wala tayo sa posisyon natin ngayon. Hindi natin mararating ang gusto nating marating.

Kaya sa mga guro, saludo po ako sa inyo. Salamat sa walang sawang pag-intindi at pangangaral samin. Kung wala kayo, di namin mararating kung nasaan man kami ngayon. 😁

TeacherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon