Chuuuriiiiiiiiiii ^___^

210 3 0
                                    

mga uri ng pasahero ng jeep:

The Shampoo Commercial Model

- Sila ang mga pasaherong feel na feel ang hangin sa jeep habang humahampas ang kanilang buhok sa mukha ng kanilang katabi. Ang sarap kalbuhin.

The Snorlax

- Sila ang mga pasaherong mahilig matulog, akala mo pagod na pagod. Ginagawa nilang kama ang katabi nila. Kung makasandal wagas, sige pa rin sa pagtulog. Mabilis ang karma sa kanila dahil madalas silang lumalampas sa bababaan nila.

The Uchiha Clan

- Sila ang mga pasaherong may matang hindi mapigilang makibasa sa text ng katabi nila. Ang sarap tusukin ng mata.

The VIP

- Sila ang mga pasaherong hindi alam ang upong otso, kung makaupo sakop ang pangdalawang tao. Ang kakapal ng mukha, akala mo ang binayad...doble!

The Headbangers

- Sila ang mga pasaherong naka-earphones/headset na akala mo nasa stage at yung sounds naririnig mo sa sobrang lakas ng volume. Minsan, sumasabay pa ng kanta. Mabingi sana kayo!

The Kris Aquino & Friends

- Sila ang mga pasaherong ubod ng arte. Ang daming reklamo, kesyo mainit, kesyo masikip...tang'na, mag-taxi kayo!

The Bottomline with Boy Abunda

- Sila ang mga pasaherong makakwento feeling may talk show. Sa lakas ng bunganga rinig ng lahat ng pasareho. Ang sarap pakainin ng siling labuyo.

Jokes (; ♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon