LB 9: Please, Baby!

607 16 3
                                    

LB 9: please, Baby!

"Later, Thyrelle" pakiramdam ko ay nanghihina si Kent nang sabihin niya ito. Bakas din ang takot sa kanyang mukha. Anong ikinatatakot niya? Takot ba siyang malaman ng parents niya na nandito ako sa pamamahay nila?



"It's okay, Kent. I think I need to go na rin naman. gumagabi na masyado" Agad na nataranta ang kanyang hitsura. Pakiramdam ko ay nais niyang tumutol sa sinabi ko pero hindi niya magawa.



"I'll take you home" Tumayo siya sa kanyang kinauupuan at ininom ang juice sa kanyang baso.



"No, Kent. Tatawagan ko nalang ang driver ko. Magpapasundo ako" kalagitnaan palamang ng aking sinasabi ay umiiling na siya. He's still stubborn, eh? Ang kaninang maaliwalas niyang mood ay napalitan na nang pagkainis ngayon. hindi ko alam kung bakit pero may pakiramdam akong dahil iyon sa sinabi ni Thyrelle na naging dahilan nang pag-alis ko.



"Ako na ang maghahatid sa'yo" Nilapitan niya ako at tinulungang makababa sa high chair.



"Huwag na, Kent" desidido ako sa desisyon ko. I don't want him to bring me home dahil baka nandoon pa si August at nag-aabang. Mahirap na. sirang-sira ang plano ko kung magkataon. Alam kong hindi mapipigilan ni August ang emosyon niya ngayon. Nasaktan ko siya, at hindi ko alam kung bakit namamanhid ng ganito ang puso ko. Tila ba wala akong pakialam sa nangyari kanina. Maybe now, pero mamaya at kapag mag-isa na ako, baka sumibol ang sakit sa dibdib ko.



"I insist" Hinawakan pa ni Kent ang kamay ko. Hindi ko alam kung ano na ngayon ang reaksyon ni Thyrelle. Masyadong makulit itong kapatid niya.



"Kent! Your parents want to talk to you! Give them your time!" Nakakaramdam na ako ng pagkainis dahil sa inaasal niya. He can drive me home pero hindi pwede dahil inaalala kong baka nandoon nga si August!



"I want to be with you. Let me drive you home. Please, baby" Halos lumuwa ang mata ko dahil sa narinig sa kanya. Narinig ko ang pagsamid ni Thyrelle na sa tingin ko ay nabilaukan na sa sarili niyang laway. This-guy-is-extremely-in-love.



"Please? I'll talk to them later. Just please, let me do this" pakiramdam ko ay nanlambot ang mga tuhod ko dahil sa nakikitang ekspresyon ng kanyang mukha. I can see the old Kent na nagsusumamo tuwing magkakaroon kami ng tampuhan. "Please?" Para akong isang laruan na may remote control dahil dahan-dahang napatango ang aking ulo nang hawakan niya ang beywang ko. This is bullshit!



"Thyrelle, hatid ko muna si Chella. Tell them I'll call later" Nakita ko ang pagtango ni Thyrelle. Halata ang pagkalito sa kanyang mukha ngunit may naglalarong ngiti sa kanyang labi.



Naghintay ako saglit sa kanilang salas dahil kinuha ni Kent ang susi ng kanyang sasakyan sa kwarto. Nagulat pa ako sa biglaang pagsulpot ni thyrelle sa aking harapan.



"My brother loves you so much" Nakita ko ang pangingilid ng kanyang luha. I don't know why she's acting like this pero bakas sa mukha niya at ramdam ko sa sarili ko na bukas sa loob ang kanyang sinabi.



Ilang saglit akong napatitig sa kanyang mukha. Hindi tumulo ang mga luha niyang nagbabadya na kanina. Tila naestatwa nalamang ako nang bigla niya akong balutin ng kanyang yakap. I've missed this happy-go-lucky girl, this stubborn-cute-pretty-jolly sister of Kent. I've missed Thyrelle. Unti-unti kong iniangat ang aking mga braso para suklian ang kanyang yakap at kasabay nito, narinig ko ang hagulhol niyang hindi ko inaasahan.



"Thank you for coming back. Thank you for giving Kent a second chance. Thank you for making my brother alive again." Hindi ako nakahinga dahil sa sinabi niya. Agad na sumakit ang lalamunan ko dahil sa mga luhang gustong lumabas. What kind of feeling is this? Nasasaktan ako.

Lifeless Battle [CHSL Book2]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon