MASKARA

743 9 6
                                    

Maskara. Isa sa pinakapaboritong puntahan ng salitang "magtago". Sa pamamagitan lamang nito'y maari mo ng takbuhan ang liwanag. . . ang katotohanan. Isang pitik lang at tadaaah! pwede ka nang gumawa ng bago mong pagkatao.Ang gusot na mukha'y maari nitong plantsahin at hayaan ang mga taong mabulag sa pekeng emosyon na ipinapakita mo o kaya nama'y iwanan silang hinuhulaan ang tunay mong nararamdaman.

"Isn't it ironic?" tanong na naibulalas ng kakilala ko na unang nakabasa ng intro kong yan. Ironic,dahil ba involve ang plantsa na kababanggit ko lang kanina? (Hindi ako nagpapatawa,may sarili lang akong style wag kang maano)

Scenario:

Tumayo ako. Hinanap ang nilulumot ko ng Miriam Webster Dictionary at sinisid ang mas malalim na kahulugan ng "Ironic". Walang napala.Pumapalatak na bumalik sa mesa at nag-iisip ng kahit na anong pwedeng panggulo para makalimutan ng mga babasa,bumabasa at napipilitang basahin itong blog na ito, ang Ironic na yon.

Oo,alam ko na ang sasabihin ng ilan di man ng lahat sa inyo (alam kong kahit papano may mga kakampi ako sa mga bumabasa nito). "Ang bobo naman nito,Ironic lang eh!".Wala akong pakealam. Hindi naman si Ironic Man ang bida dito at mas lalong hindi ako. Ewan ko ba kung bakit nabanggit ko pa yun. Siguro dahil katatapos ko lang manood ng pelikula (the road), kaya nasasapian na naman ako ng kung anong impakto.

Oh game na. Kalimutan mo nalang ang Ironic na yun. Isipin mo nalang na ang lahat ng tao sa mundo ay artista.At ang bawat buhay ay isang malaking "Mamma Mia!",ibig kong sabihn pelikula.Bawat araw,bagong "taping".Bawat oras bagong emosyon.Bawat segundo,iba't ibang artista ang nakakasalamuha mo.May magaling umiyak,magpatawa,at may tuod na parang mga monumentong nakatayo sa Luneta na binabantayan ng mga kawal na pwede na ring itabi sa kanila. Bawat kalye,iba't ibang teatro(ano bang tamang pagbaybay ng theater sa tagalog?).At bawat pagkakataon bagong "genre". Pwedeng drama,katatawanan,katatakutan, at meron din namang parang wala lang. Pero hindi ibig sabihin na "wala lang" ay wala ng kwenta ang buhay mo. Sarap sigurong panoorin ng pelikula ng bawat tao. "One to sawa" kumbaga. Pero parang nakakaumay din. Minsan wala ng thrill, dahil puro kaplastikan nalang ang mapapanood mo. Tipong pag may isyu ganito ang sasabihin ng mga tao "No comment.Watch our movie nalang".Kaumay nga.

Wala naman akong nakikitang masama sa pagkakaroon nating ng sari-sariling "maskara" at paminsan-minsang pagiging artista. Aminin mo man o hindi,meron ka pa ring itinatago sa sarili mo at sa ibang tao. May mga bagay na ayaw mong ipakita sa lahat at may mga bagay kang ipinapakita na sa huli ay PEKE pala. Ayos lang kung paminsan-minsan,pero kung nakadikit na sa buto mo ang pagiging impostor. . .mahirap yan.

"PLASTIK KA!" kumukurot sa kalingkingan ang mga katagang iyan.Madalas kong marinig ang salitang "plastik". Sabi nga nila,nagkalat daw yan kahit saan. Hindi ko alam kung dapat kong kasuklaman ang salitang yan,dahil baka mamaya may ibang tao na "plastik ang tingin sa akin. Ayaw kong kasuklaman ang sarili ko. Hindi ako nagmamalinis,dahil alam kong lahat ng tao dumadating sa punto ng pagsabak sa mundo ng kaplastikan. Hindi kita pipiliting sumang-ayon

sa mga sinasabi ko. Pero alam mo kung ano ang totoo.

Papaano mo nga ba masasabing plastik nga ang isang tao? At sinong henyo ang nakaisip na ikumpara ito sa isang nakakasuffocate na bagay? May mga signs and symptoms ba ito? Epidemic,pandemic o kathang isip lamang ang konseptong ito na pinalala lamang ng mga tao? Alam mo ba ang sagot?

Eto na naman,hindi ko na naman alam kung papano ko tatapusin ito. Kelangan ko pa bang gumawa ng konklusyon? Kelangan ko bang laging ipaliwanag ang mga sinasabi ko? May common sense ka naman diba? Ikaw nalang ang bahalang kumlaro ng mga nabasa mo.Kung may napulot ka mang maganda o wala sa pagbasa nito, tatanungin kita. May dapat ba akong ihingi ng tawad? Wala akong pinatutunghayang tao. Ito'y pawang opinyon lamang.

O sya, sige na nga. Bilang finale ng kaplastikan na tema ng mensahe kong ito,isa lang ang masasabi ko. Ang pag gamit ng maskara o pagiging plastik man ay hindi isang mortal na kasalanan. Pero sana marunong kang lumugar. sabi nga sa pelikulang Mean girls "being one of the plastics isn't bad at all". May tamang panahon at oras para gamitin ito. Hindi masamang paminsan-minsang tumalikod sa katotohan at ang pagiging peke ay maari ring gamitin sa mabuting paraan.Kaya Droga ay Ating Iwasan.

Tayong lahat ay nasa mundo ng showbiz. At bawat galaw mo mayroon at mayroong pupuna na parang mga kamerang bente kwatrong oras na nakatutok sayo.

Simple lang ang mensahe ko. Mas matatanggap ka kung nagpapakatotoo ka. Ang pagbabago ay isang proseso. Hindi man ngayon maaring bukas kaya mo na. At inuulit ko,wala akong nais patamaan sa mensahe kong ito. Kung nadaplisan ka, hindi ko na siguro kasalanan yon.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

MASKARATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon