Episode 1:THE BEGINNING

357 5 0
                                    




NakaTayo ako ngayon sa gitna ng mga lalaking nakablack suit americana habang May isang matangkad na lalaki na mahigpit na nakahawak sa braso ko na Pilit akong hinihila patungo sa marangyang Yatch na nasa isang daungan ng mga barko na May matataas na malalaking close van sa paligid





Biglang sumabog ang katabing kotse na sinasakyan ng mga grupo ng lalaki , na sa lakas ng impact ay tumalsik ako at nadaplisan ng bubog ang pisngi ko napapikit ako na bumagsak sa lupa gayundin ang lalaking May hawak sakin na hindi ko matingnan dahil sa takot na nararamdaman ko sa tuwing nakikita ko sya





Tila nabingi ako sa lakas ng pagsabog na napatingin ako sa maliwanag na kalangitan dahil sa tanghaling tapat , nahihilo ako na napahawak sa tenga nabingi ako sa lakas ng pagsabog , ,masakit ang buong katawan ko na pinipilit kong tumayo pero di ko magawa gumapang ako sa lupa para makaiwas sa kaguluhan sa paligid


May isang lalaking na naka mask na itim na tumulong sakin na mabilis akong itinayo at naririnig ko ang mabagal na paghinga ko gayundin ang paghinga ng lalaking humihila sakin palayo sa magulong sitwasyon sa Hilo ko dumidilim ang paningin ko hanggang sa mawalan na ako ng malay na tanging naririnig ko Na lamang - tinatawag ako ng Lalaking nakamask sa ibang pangalan





8 months ago





Pumunta ako dito sa Japan para maging dh naging katulong ng matandang magasawang hapon pero ng mamatay ang lalaking amo ko nagsimula ng magbago ang buhay ko , nagpalipat lipat ako ng titirhan , natulog sa ilalim ng tulay hanggang sa naglakas loob akong humingi ng tulong sa isang pilipina na inakala kong makakatulong sa problema ko pero naging derederecho na ang kamalasang nangyari sakin





ELLY JOSE ang pangalan ko —simpleng babae lamang ako na nagmula sa probinsya ng bikol sa Mercedes camarines norte , dahil sa mahirap lamang ang aking pamilya , mangingisda ang aking ama at ang ina ko naman ay isang mananahe , naisip naming tatlong magkakapatid na lumuwas ng maynila at doon muna makipagsapalaran


Nakapagtapos ako ng pagaaral sa tulong ng aking mga kapatid at magulang , nakapagasawa ang aking kapatid na panganay na si kuya Jonas habang ang isa kong kapatid naman ay nagtrabaho sa dubai bilang isang secretary , na si kuya Joseph bilang kaisaisang babaeng anak namuhay akong nagiisa sa pilipinas at nakilala ko ang kaibigan kong si YNA , na syang naging kasabay ko pagpunta sa japan ,





24 years old na ako , hindi mataba hindi rin payat ,may Hanggang balikat na buhok na makapal di ako palamakeup simpleng pulbo Lang okay na sakin , eh sa anong magagawa ko ganun talaga ako ,pero puno ng pangarap at pagasa ang puso at isip na matutupad ang pangarap ko

pero kung ang iba siswerte kabilang ata ako sa hindi mapalad


Ngayon nandito ako sa Nagasaki station at hinihintay ang kaibigan kong si ate rose na titirhan ko hanggang sa makabalik na ako sa pinas dahil sa hindi ko natapos ang kontrata na dapat dalawang taon


Ano ba ang naghihintay sakin dito sa Japan ? Uuwi ba ako sa pinas ? O mananatili dito at magiging tnt ? Kelangan ako ng pamilya ko , Baon ako sa utang ayokong magsakripisyo sakin ang magulang ko dahil sa mga maling desisyon ko





How can I survive in this country ?
Without money
Without work


Gulong gulo ang utak ko hanggang ngayon kahit na anong gawin ko nagiging mahirap parin sakin ang lahat

SOMETHING ABOUT MY MASTER [COMPLETED] ( VOLUME 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon