My Baby Sis....
Second Year high school siya nung lumipat siya dito from abroad... Charity siya Justice ako... in short tig kabilang dulo kame nang floor nang second year... 6 sections lang ang batch namin pero malayo layo din...
Hindi din niya talaga nasimulan ang pasukan kase late din siya pumasok... ng enroll siya nung araw nang acquaintance party namin kaya namiss niya yun...
Hindi talaga kame familiar sa isa't isa... kase nga tig kabilang dulo ang rooms namin... nakikita ko siya pero lagi din niya kasama ang mga classmates niya...
Naging kilala siya dahil sa galing siya abroad...
Morena, long straight black hair at maliit na babae...
Tumagal na tumagal mas lalo ko siya pinapansin dahil sa pagbisita niya sa friend niya galing sa Humility na section which is kalapit na room namin...
Nag daan ang second year na hindi kame magkakilala...
Third year na kame ngayon... at nag iba na ulit nang section... ang pagpili kase nang section namin ay galing sa over all ranking...
for example... ang 1st sa Charity, 2nd sa Fidelity, 3rd sa Peace, 4th sa Wisdom, 5th sa Humility at 6th sa Justice... and so on and on and on... at siempre loyal ako sa Justice... ika-3rd year ko na sa section na ito... samanthala siya napalipat sa Humility ibig sabihin katabing room lang namin...
Pero kahit ganun madalang parin magkasalubong...
Sa nag daang 2nd year niya nagkaroon siya nang madaming friends... friendly namn kase siya.... madami siyang circle of friends at ngkataon na meron kameng common friends...
Ng apply ako para sa pagiging officer ng CAT namin.. at sa lahat alam niyo naman na ang 3rd year ang year ng training nito... dun ko lang din nalaman na ng apply din siya...
Hindi rin ako ng tataka dahil isa sa mga barkada niya ang kasali na dito simula 2nd year pa...
Sa groupo nila 3 pa ang sumali... bale 4 na sila mula sa barkada niya...
Kaya tuwing CAT nakikita ko siya...
Patagal nang patagal nakikilala ko siya lalo...
Makulit, bibo at maingay na bata.. yun siya... mataray din ito paminsan minsan...
Ng daan parin ang 3rd year namin at tamang ngitian lang ang natatangap ko kapag ngkakasalubong kame...
4rth year na at official na officer din kame...
Hindi pa ng sisimula ang pasukan... siguro mga 1-2 weeks pa bago magsimula.. nakapost na din ang mga assigned sections... nakita ko na yung akin at sa Peace ako nakaasign... nabawasan na din kame ng section kaya hangang Humility nalang kameng 4rth year...
Nasa Sm ako ngayon Saturday...
Kasama ko si Arvin at andito kame sa WOF at ng sisimula na mglaro... maunti palang ang tao ngayon kase kakabukas lang ng mall...
Kanina pa to si Arvz may katext at kanina pa din ngtatawa...
Nasa tapatr na kame ng drums nang bigla tumunog ang phone niya
"Hello... oh? andito sa WOF... ahhh sige..." at inend call na niya ito...
Ngsimula na kame mag laro at nang turn ko na may biglang bumungo kay Arvz
"Aray naman..." daing nito at humawak sa braso
"OA lang?" sabi naman nang bumungo sa kaniya...
Pagkatingin ko siya pala...
Common friend namin si Arvz kaya malamang siya ang katext niya kanina...
