1hundred Days
Be Mine Or Make Me Yours
C h a p t e r O n e
Surely he would blush knowing you're here
~ * * ~
Dark B Rem is a Playboy?
Rem, a leader of the famous group Dark B, is said to be a playboy for admiring a lot of girls. One of the evidences is his Instagram. He posted a lot of pictures of different girls with sweet captions. Then, months ago, he just admitted in Lez Talk! (a morning show) that he has a huge crush on Style member Kangji. And then lately, he posted a pic of another girl on Instagram. Isn't he just playing around?
Comments:
Bia Estelloso: Stop this nonsense! Who ever wrote this article, you're so stupid!
Tina Tina: Yea. Sooo stupid! Admiring lots of girls doesn't mean Rem's already a playboy! He's just admiring them. Crush is just paghanga. Di naman niya jinojowa or whatsoever. Again, ina-admire niya lang. What's wrong with that?
Rei Calma: Paki nyo ba? Tao lang siya. It's normal to admire someone... kahit na sabihing iba iba pa yan. Ang mahalaga, single siya hihi.
Princess Anne: Di porket puro babae laman ng insta niya, playboy na! I hate you! Kung sino man ang nagsulat ng article na ito! Wala kang magawaaaa! Pangit mo!
Ay G na G si Ate oh.
"Hey! Kanina ka pa dyan," naihagis ko ang phone ko sa pagkabigla. Nasalo ito ni Yna, ang leader ng grupo namin.
Tumayo agad ako para kunin sa kanya. Umatras siya at hinablot ang kamay ko para pigilan akong mabawi ang phone ko.
"Rem is a playboy?" sabi niya habang nakatingin sa screen ng phone ko. And when she divert her gaze to me, di ko nagustuhan ang ngising naglalaro sa labi niya. "You really are interested with this guy, huh?"
"Akin na!"
Binigay naman niya ang phone ko. Subalit di pa rin naaalis ang ngisi sa labi niya. Nanatili iyong nakaplaster hanggang sa daluhan kami ng iba pang miyembro ng Style: sina Talia at Iasha.
"Anong meron?" tanong ni Iasha habang nagpupunas ng pawis sa leeg gamit ang face towel.
"Patingin."
Bago pa ako mag-react, inagaw na ni Talia ang phone sa kamay ko. Kukunin ko sana kaso huli na dahil nabasa na nila ang article na binabasa ko.
Napabuntong hininga nalang ako at umiling iling. Dapat pala sinave ko nalang muna ang link at mamaya binasa pagkatapos ng practice namin, sa dorm, sa kwarto ko.
"Ayiieee! Ang sweet naman!" ani Talia. "Crush ka ni Rem, di'ba?"
"Tas crush mo rin sya," panunuya ni Iasha.
"Oy di ah! Sinong may sabi?"
He's not my crush. Naging interesado lang ako sakanya simula ng sabihin niya sa isang talk show na hinahangaan niya ako. Of course, I doubt. Di ko din alam kung bakit parang big deal para sa akin. Basta kapag may article sa internet o news na kumakalat about sa kanya, natatagpuan ko nalang ang sarili ko na binabasa o pinapanood ito.
"Eh anong ibig sabihin ng pagbabasa mo ng article about Rem?" may tonong pang-aasar na tanong ni Yna.
Aish! Mga taga-Showbiz nga talaga sila!
"Wala. I'm just curious."
"Kasi...?" Iasha grinned, and so the two.
"Nevermind." Kinuha ko na ulit ang phone ko mula kay Talia at itinago sa bulsa ng shorts ko. "Practice na tayo ulit?"
BINABASA MO ANG
Be Mine Or Make Me Yours
Short Story"Sa isang kondisyon." "Sige sige. Ano yan." "Well, I'm giving you two options." "Spill." "Be mine. You don't want? Make me yours, then. Pili ka ng isa. Pagkasagot mo, lilipad agad ako pabalik dyan. Magugulat ka nalang katabi mo na ako."