Chapter 23
//
Dahan dahan kong inikot ang mga mata ko upang makita si Adrian pero hindi ko siya makita mula sa pwesto ko kaya naglakad ulit ako para hanapin siya sa ibang lugar dito sa loob ng arcade. Ang hirap maglakad dahil sa sobrang dami ng tao kaya naman sobrang siksikan tuloy dito sa loob.
Naisip ko tuloy na baka bumalik siya sa claw crane machine para kunin yung pikachu kaya agad akong nakipagsiksikan sa mga tao para makarating doon.
Nang makarating ako, wala naman siya. Lakas ko naman kasi makaassume na kukunin talaga ni Adrian si pikachu mula sa claw crane machine. Haaay. Baka nagbanyo nga talaga siya at sobrang haba lang ng pila kaya siya matagal.
Halos 30 minutes na siyang wala simula nung nagpaalam siyang aalis siya. Asan na ba siya? Tinry ko na lang tuloy yung claw crane machine. Gusto ko talaga kasi makuha si pikachu.
Habang naglalaro ako biglang may mga kamay na tumakip sa aking mga mata.
" Adrian? " sabi ko habang inaalis ang mga kamay niya at humarap sa kaniya. Tama si Adrian nga.
" Sorry kung natagalan ako ang haba kasi ng pila sa banyo. " sabi niya.
" A-ayos lang 'yun. " sabi ko naman.
" Nga pala.. " tapos binuksan niya ang backpack niya at may kinuha sa loob nito. " Si pikachu nga pala. Kinuha ko bago ako magbanyo kaya medyo natagalan pa ako. " sabay abot sakin.
Pagkatapos kong abutin si pikachu, hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya. " Tha-thank you, Adrian. " sabi ko sa kaniya habang hinihigpitan pa lalo ang pagkakayakap ko.
" Wala yun. Para sayo naman eh. " tapos naramdaman ko na may mga brasong yumapos sa akin. Niyakap din niya ako pabalik.
Biglang tumibok na naman ng mabilis ang puso ko. Dugdugdug. Bakit ba ang sweet niya ngayon? Bakit ibang iba siya sa Adrian na nakilala ko dati?
" Eunice, sorry sa lahat ng ginawa ko sayo noon. Gusto ko lang talaga na mapansin mo ako. " bulong ni Adrian sakin.
" O-okey lang 'yun. " sagot ko naman.
" Pinlano ko talaga lahat ng 'yun. Yung secret admirer mo at yung pang-iinis ko sayo. Nagpapapansin lang talaga ako sayo noon. Gusto ko lang talaga kasi na mapalapit sayo. Gusto ko mahalin mo din ako. " lalong humigpit yung pagkakayakap niya.
" Adrian naman. Okey nga lang 'yun. " sabi ko sa kaniya atsaka ako tumingala para makita ang mukha niya. Nangingilid na ang mga luha sa mata niya.
Agad akong kumawala sa yakap at kinuha ang panyo ko mula sa bulsa. " Eto oh panyo. Sayo na lang. Punasan mo yang luha mo. " sabi ko.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED