Chapter 24
//
Ilang araw ang lumipas, araw na ng Music Festival. Sobrang busy ko talaga. Inaasikaso ko kasi ang booth namin tapos kailangan ko pa magpractice para sa presentation ng class namin para mamaya.
" Leaders! Tara practice na tayo. " sabi ko sa iba pang mga leaders na katulad ko. Kailangan kasi talaga namin magpractice para sa performance namin mamaya. Ngayon pa lang kinakabahan na ako.
" Sinong maiiwan dito? " tanong ni Zen.
" Adyan naman si Fei, ang dakilang class president natin. Hindi niya pababayaan ang mga classmates natin. " sabi ko.
" Yup, I'll handle everything. Don't worry guys. Maaasahan niyo ako. " sabi naman ni Fei habang sumasaludo sa amin gamit ang kanang kamay niya.
Agad kaming nagtakbuhan papunta sa may gilid ng field sa left wing ng schol para magpractice. Wala namang tao kaya okey lang samin na dito kami plus kailangan namin 'to para sa section namin kaya dapat walang hiya hiya.
" 1, 2, 3, 4... 5, 6, 7, 8. " bilang ni Leslie. Siya kasi ang naatasan namin na gumawa ng steps.
" Wait.. wait.. isa pa. Di ko padin kasi makuha. " sabi ni Jeff, isa sa mga classmate ko na Leader din. Bale anim kasi kami. Si Leslie, Zen, Jeff, Cloe, Alex at ako.
" Oh ulit daw. 1, 2, 3, 4... 5, 6, 7, 8. " bilang ulit ni Leslie.
" Okey na! Nakuha ko na! " masayang sabi ni Jeff. Napa-apir tuloy kami.
Nakalimang ulit kami ng sayaw bago tumigil para magpahinga. Kahit na pagod na pagod kami, hindi maaalis sa amin ang saya at tuwa. Minsan lang kasi namin maranasan ang ganito. Di din namin inaasahan na ganito pala kasaya ang maging leader sa music festival.
" Eunice? "
" Guys? Narinig niyo ba yun? " tanong ko sa kanila. Parang may tumatawag kasi sa akin?
" Oo, may humahanap ata sayo. Tara pumunta na ulit tayo sa room. " sabi naman ni Alex.
No choice kami kaya naglabasan na kami. Habang naglalakad nakita ko si Joshua na tumatakbo papunta sa akin kaya naman napatigil kaming lahat sa paglalakad.
" Kanina pa kita hinahanap. " sabi niya habang hinihingal hingal pa.
" Ba-bakit naman? " nagtataka kong tanong.
" Malapit na kasi tumugtog yung banda namin. Nuod ka. Kayo din, sama na kayo. " yaya niya.
Naalala ko tuloy si Adrian. Siya nga kasi ang lead guitarist ng Heaven Static. Edi andun siya. Makikita ko siya.
BINABASA MO ANG
He's A Devil [Fin]
Adventure"My life changed when I let my self fall in love with the Devil." | mundongsaging (c) 2013 ALL RIGHTS RESERVED