Magtatanghali nagtext sakin si Rose na papunta na sila sa bahay kasama si Joan at Aira.
May usapan kasi kami kahapon na mag iinuman kami ngayon dahil pasko naman kaya pinayagan ako ni mama na mag inom dito sa bahay.
Pinakain ko muna sila bago kami mag umpisa pero si Rose nakatulog kaya hindi nakakain. Hindi pa kami masyado nagpapansinan ni Rose dahil nagkakahiyaan pa kami at pareho kaming mahiyain.
Ng magising na si Rose nag simula na kaming maginom.
Katabi ko naman si Rose at hindi na ako nahihiya sa kanya na maging sweet, hinawakan ko ang kamay nya at magkaholding hands kami habang nag iinom kahit nakikita ng ate nya....
dahil alam naman ng ate nya ang tungkol samin at ok lang naman sa kanya dahil nagkaroon narin sya ng syota na lesbian.Hindi pa nakakauwi si ex ng calapan kaya tinext ni Joan na pumunta muna dito dahil gusto nilang makita ni aira.
Mayamaya dumating ito kasama si Wilma at Iton dahil ihahatid na sana ito ni iton sa sakayan para umuwi pero dumaan lang para makita sina joan at aira.
Si wilma naman ako ang nagpapunta sa kanya dahil gusto ko makita nya si rose at makilala.
Pinatagay ni joan si ex at si wilma , nakikita ko namang nakatingin samin ni Rose si ex habang magkaholding hands kami habang nakasandal sya sakin dahil may tama na ito. Pero deadma lang sya samin ni Rose , mayamaya hindi na kayang uminom ni rose dahil lasing na sya kaya sinamahan ko sya sa kwarto ko para magpahinga at matulog para mahulasan. Tinawag naman ako nung 2 para uminom pa dahil umalis na si ex at iton, si wilma naman hindi na tumagay dahil baka sya malasing mapapagalitan sya ng kuya at nanay nya. Ng maubos na ang inumin umuwi na si Joan at Aira pinaiwan na si Rose dahil lasing na lasing ito, ihatid ko nalang daw kapag medyo nahulasan na.
Sobrang tinamaan din ako sa ininum namin kaya nahihilo ako ,humiga ako sa tabi ni rose at nag usap muna kami bago matulog. Pinag uusapan namin si ex at kasama din namin si wilma sa loob ng kwarto.
Tinanung daw ni ex kay wilma kung si rose ang gf ko kaya pala tinitingnan kami kanina. Sabi naman ni rose ang cute daw ng dimple ni ex cute daw kahit maliit. Sabi ko naman edi sayo na yun na parang nagtatampo hehe..
Natulog na kami pagkatapos namin magkwentuhan dahil pakiramdam ko hindi ko sya maihahatid kong hindi ako mahuhulasan dahil sobrang nahihilo ako at hindi ko kayang maglakad at bumangon.
Mga isang oras din siguro kaming nakatulog at ng magising ako hindi na ako nahihilo at ganun din si Rose kaya hinatid ko na sya sa sakayan, kasama ko naman si wilma at dalawa kong kapatid sa paghatid sa kanya, dami nyang bodyguard noh? Haha
Holding Hands While Walking naman kami kahit marami ang nakatingin samin deadma lang, ang sarap sa pakiramdam na proud sayo ang gf mo at hindi ka kinakahiya kaya nagpapasalamat ako dahil binigay sya sakin ni god ngayong pasko. Sya na yata yung hinihiling ko kay god na taong mamahalin ako.
BINABASA MO ANG
I Found You (Tagalog Lesbian Story)
RomanceIto ay tungkol sa isang lesbian na marami ng nakarelasyon pero walang tumatagal sa kanya dahil hindi sya makontento sa isa. Pero sa huli may makikilala sya na makakapagpabago sa kanya. Sana magustuhan nyo.