My Boyfriend Is A Fictional Character

25 11 6
                                    

"We love you author Genesis!" Sabay sabay na sigaw ng mga tao dito sa loob ng mall. Napangiti naman ako dahil sa mainit na suportang binibigay nila sa akin

ngayon ay nasa isang park ako matapos ang book signing ko sa isang mall ang sarap pakinggan na naging isa akong sikat na author dahil sa isang tao na di ko akalaing mag e-exist sa mundong ito. Habang tahimik akong nakaupo sa isang bench lihim akong napangiti ng maalala ko siya marahil mahirap paniwalaan ang kwento ko. But i don't even care kung walang maniwala sa akin basta ako masaya na kahit saglit lang naging parte ng buhay ko ang isang fictional character na hindi ko inakalang magpaparanas sa akin kung paano magmahal. Isang taong pangarap ng lahat isang taong alam mong imposibleng mabuhay. Isang taong binuhay lamang sa mundo piksyon at sa libro mo lamang makikita at mababasa. But i'm so lucky to met one and i will never forget those memories we did together.

<flashback>

"Tigilan mo na nga ang pagbili ng mga ganyang libro Genesis wala namang kwenta yan eh sinasayang mo lang ang pera mo diyan" dada sa akin ni mama ng makitang dinampot ko ang isang libro na may tatak na wattpad.

"Mama naman ako naman ho ang nagbabayad. Tsaka ma dito na nga lang ako nakakaranas kiligin at makakita ng dream boyfriend eh pinagbabawal niyo pa" maktol ko naman

"Kaya nga yun na ang sinasabi ko anak kahit ikaw ang nagbabayad aksaya lang ng pera yan. Isa pa tama na ang pantasiya kailangan tumuntong ka sa reyalidad mabubuhay ba yang dream dream boyfriend na sinasabi mong yan aber" napanguso nalang ako sa sinabi ni mama.

"Last na ito ma promise" di ko na hinintay na sumagot si mama at agad ng inilagay sa cart ang libro.

Dali-dali kong binuksan ang pinamili namin sa bookstore ng makauwi kami. Bagong collection na naman kyaaa! Asdfghjkl may bago na naman ako boyfriend hoho. Ng makuha ko ang libro na binili ko agad akong umakyat sa kwarto ko at nagkulong.

*sniff, sniff*

"Akin ka nalang Darien waaa sasaktan ka lang naman ni Andi sana mabuhay ka nalang ako magmamahal sayo" bulong ko sa sarili sa pagitan ng hikbi.

Sana talaga totoong tao nalang ang isang fictional character yung lalake na kayang magpakamatay para lang maisalba ang relasyon niyo. Ang isang Darien Cardova na ibibigay ang lahat sayo oh lord sana po kumidlat at buhayin niyo siya sana isang araw magising ako na katabi ko siya waaaaaaa!

"I won't hesitate no more, no more it cannot wait i'm yours~~"

Ay bastos nag eemote ako dito sino naman tong istorbo na ito. Tinignan ko ang screen ng cellphone ko para makita ang tumatawag

~hubby❤❤ calling

Deym! Asdffghjkl !nalimutan kong tinawagan niya nga pala ako kanina hihintayin niya daw ako kasi may sasabihin siya. pinindot ko ang answer button bago pa niya maisipang maki pag break sakin

"Hi hubby sorry ah nalimutan ko tumawag ka pala OTW na sa school hihi love you!" Masiglang bungad ko kay Charles. 2 years na kami ngayong araw na ito ng boyfriend ko i never thought na magiging ganito kami katagal konti na nga lang mag fe-feeling na ako na ang lovestory namin ay galing sa wattpad eh hoho.

~call ended

Huh? Bat di sumagot yun ay baka naubusan ng load. Agad akong tumayo ng kama at inayos ang sarili ko nag suot lang ako ng simpleng jeans, plain white v-neck shirt at flat shoes. Tinalian ko ang buhok ko at agad ng bumaba at pumunta kay mama para mag paalam

"Mama punta lang po ako kay Charles ah" kilala ni mama si Charles at ok lang naman sa kanya ang relasyon namin

"Sige mag-iingat ka at siya nga pala anak uuwi ako ng probinsiya mamaya baka di mo ako maabutan ha. May pera jan iniwan ko wag mo pababayaan sarili mo wag tatanga-tanga isang buwan lang naman akong mawawala. Ikaw ha umayos ka wag mong pababayaan sarili mo i love you anak."

My Boyfriend Is A Fictional CharacterDonde viven las historias. Descúbrelo ahora