[16] Jealous Ivan? Part 2

3.8K 63 0
                                    

Ivan's POV

Kasama ko ngayon si Jaz, sinundan ko. Kakain na naman magisa to. Sanay na kasi siyang walang kasama e. At eto ako, naglalakad kasama niya. Inasar pa niya ako nung una bago niya ako pasamahin sa kanya. Hahahaha she really loves to bully me. Habang naglalakad kami papuntang foodcourt.

"Hi Jazrille!" Ang daming bumabati sa kanya. Hindi ako sanay! Naiinis ako sa mga lalaking to.

"Hi Ms. Jaz, ang ganda mo naman." Eto namang si Jaz, ngingiti ngiti pa! tss!

"Hi thank you." Nakakainis talaga.

Puro ngiti na lang ang sinasagot niya sa mga bumabati sa kanya. Yung mga babae dito, ang sasama ng tingin. Mga insecure nga naman. Pero nakakainis naman kasi! Gusto kong ipagdamot yung mga ngiti niya!

Minsan, iniisip ko na okay lang kung habang buhay siyang maging masungit gusto ko ako or kami lang ang nakakakita nung ngiti niyang minsan lang magform sa lips niya. Gusto ko ako or kami lang ng mga pinsan niya ang nakakapagpasaya sa kanya. Nagiging selfish na ata ako.

Hindi ako to. At hindi din ako sanay na ganyan siya. Ngumiti sa lahat. Dahil ang gusto ko, sakin niya lang ipakita yang mga ngiti nyang yan. Maya maya,

"Ate Jaz, pwede papicture?" Ang alam ko, ayaw na niya sa mga nagpapapicture na yan kasi natrauma daw siya hahahaha habulin ba naman sya eh, pero salamat na din sa mga humabol sa kanya, kundi hindi ko sya nakilala. Hindi niya ko matatapunan ng juice at wala rin ang contract na ito samin.

"Su-sure" Himala, pumayag siya. Tumabi sa kanya yun lalaki tapos..

"Kuya, paki picturan naman kami." Ang kapal naman ng mukha nito.

"Ano ako photographer mo? Tss."

"Ivan!" Tss, kundi lang para kay sungit, binato ko na yung camera nito.

"Oo na eto na." Kinuha ko naman yung camera tapos pinicturan ko na sila. Naka 2shots din yun. 2 shots lang, mas madami yun picture namin ni Jaz. Pero naiinis pa rin ako.

"Bakit ba kasi binalik mo pa yung dati mong ugali, dapat kasi naging masungit ka na lang. Para sakin ka lang ngingiti at hindi sa iba." Pabulong yan siyempre.

Ayoko ngang sabihin sa kanya, baka hindi ko magustuhan yun sagot niya
Magblush pa ako ulit.

"Anong sabi mo?"

"Wala, tara na." Tapos hinawakan ko yung kamay niya

Hindi hawak, more on hinigit ko sya papuntang foodcourt. Eh sa naiinis talaga ako eh nagutom ako gawa nung mga nagpapicture kay Jaz. Nakapasok na kami ng foodcourt. Pinagtitinginan si Jazrille. Tss.

Hinawakan ko yun kamay niya, yun parang holding hands.

"Ay pare sayang, boyfriend pala niya si Ramirez."
"Tss. Ang ganda pa naman niya, swerte ni Ramirez."

Mainggit talaga kayo. Hahaha!

"Umupo ka na jan, ako na lang ang bibili ng food mo."

"Hai hai!" Tapos nag salute pa sya tapos ngumiti. Wag kang gumanyan!

"Ang ganda niyang ngumiti! Parang anghel."
"Hay sana ako na lang boyfriend niya."

Nakakainis talaga!

"Jaz, wag kang ngumiti hindi bagay sayo."

"K." Balik na naman siya sa pagiging masungit. Okay na to sakin, atleast ako lang nakakakita ng ganyang personality niya.

Jazrille's POV

Grabe ang moodswings ni Ivan. Nakakainis. Pero kinilig ata ako kanina. Kasi naman hinawakan niya yung kamay ko pagkapasok namin ng foodcourt.

My Contract Basketball Player Boyfriend (Arcadia Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon