Kanina pa binabalot ng katahimikan dito sa kotse ni Brian. Kanina pa kasi siya hindi umiimik simula noong malaman niyang magkikita kami ni Kevin.
"Andito na tayo." Pinarada niya yung kotse sa may parking lot ng school. Lumabas ako kasabay ng pagkalabas niya.
"S-salamat sa pagha-----" Hindi niya ko nilingon at dire-diretso na naglakad papunta sa classroom.
---
Buong araw ata kami hindi nagimikan. Inihihiga niya yung ulo niya sa desk sa tuwing babalakin kong kausapin siya. Arrgh! Okay, pagod na ako! Edi bahala siya sa buhay niya!
"Don't forget to bring the things tomorrow, okay? Class dismissed!" Pagkasabi sa'min ay inayos ko na ang gamit ko. 'Yung iba ay nauna ng lumabas.
"Hi Kevin!!" Sigaw nung babae sa may hallway.
"Teh! Mukhang may dumadalaw sa'yo!" Napalingon naman ako sa may labas pagkasabi nu'n ni Lester . Ang aga naman niya.
Pagkalabas ko ay nakita ko si Brian sa malayo na nakapamulsa habang naglalakad. Lahat talaga ng atensyon asa kanya pag naglalakad, ang gwapo kasi!
"HEY! Tara na! Hindi na lunch time oh?" Nawala yung tingin ko kay Brian nang biglang umakbay si Kevin saakin. Sinabi ko pala kasi kay Kevin na hindi ako makakasama pag lunch time kami maguusap. Hanggang 3 pala yung klase namin.
"Ay sorry. Halika na, ililibre mo pa ako ng dinner! hahaha!" Naglakad na kami papunta sa parking lot at sumakay sa kotse niya.
-------------
"Ano ba yung 'Importanteng sasabihin mo' saakin?" Tanong ko habang nakikinig sa kantang Kung di sa iyo ni Xian Lim.
Nagsmirked lang siya saakin habang nagfo-focus siya sa pagda-drive. Mukhang desidido talaga 'tong tao na 'to na itaas ang level ng pagka-curious ko!
"Oh ito nalang, saan ba tayo pupunta?"
He smirked again. Oh my naman!
"Kapag hindi mo sinabi, bababa ako!" He looked at me na parang sinasabi na wag kong gagawin dahil ayaw niyang mawala ako sakanya! Kailan pa ako nakakabasa ng iniisip ng tao through the eyes?
Umakto akong bababa sa pintuan. He stopped the car at hinawakan niya yung kanang kamay ko.
Kung 'Di Sa Iyo, Anong halaga ng buhay?
Kung 'Di Sa Iyo, Kaya pa ba ng puso?
Ang magmahal
Kung 'Di sa iyo, Maririnig pa kaya ang pagtibok
ng puso ko?
Wala ng iba, Dibdib ko'y puro kaba
Sa tuwing nakapikit, Ikaw ang nakikita
Mula sa paggising, Sa aking paningin
Sa bawat sandali, Ala-ala ka sakin
Napalunok ako habang tinitigan 'yung mata niya. Ang ganda pala talaga ng mga mata ni Kevin. No wonder kaya lahat madaling naloloko ng makamandag niyang mga mata. Bawat titig niya parang may ibig sabihin. Ano kaya iyon?
Nakita ko 'yung paglunok niya at unti unting paglapit ng mukha niya sa mukha ko. Kinakabahan ako. H-halikan niya ba ako?
Bigla siyang pumikit at nakita kong idadampi niya yung labi niya saakin. Wala akong magawa. Gusto ko din ba?
Kung 'Di Sa Iyo, Anong halaga ng buhay?
Kung 'Di Sa Iyo, Kaya pa ba ng puso?
Ang magmahal
BINABASA MO ANG
MY BIPOLAR BOYFRIEND 0_0 :)
Teen Fiction"There will always be a reason why you meet people. Either you need them to change your life or you’re the one that will change theirs." Learn to fall in love again! ^_^