Prologue

111 13 11
                                    

"Paul pano pag nalaman nila? Alam kong magagalit sila sa atin pag nalaman nilang nag tanan tayo."

Hinawakan nya ang kamay ko at lumingon sakin pero patuloy pa rin ang paghawak sa manibela.

"Wag mo silang alalahanin basta ang alam ko mahal na mahal kita. Kahit na magalit sila satin alam naman nila na mahal natin ang isat isa diba?"

"Oo mahal na mahal kita kaya ako pumayag akong makipagtanan sayo. Kaso inaala ko si daddy at si Jasper sigurado akong ipapahanap nila tayo? Pano pag nahanap nila tayo? Ayokong matuloy yun."

"Hinding hindi ko hahayaang mangyari iyon. Sa tingin mo ba hahayaan na lang kitang ibigay sa kanya at kayo na ang magpakasal?"

"Oo. Alam ko naman hindi mo hahayaang mapunta ako sa kanila. Kaya lang sinasabi ko lang yung posibilidad." Mahinahon kong tugon sa kanya.

"Napag-usapan na natin to diba. Saka na lang natin iyon problemahin." Sabi nya sakin.

"Alam mo naman kasi ang kaya nyang gawin diba? Sa dami ba naman nyang spies. Matutunton nya agad tayo." Sa totoo lang nanginginig na talaga ako sa kaba. Pinipilit ko naman na huwag eh.

Bahagya syang lumingon sakin na matatalas ang mga mata.

"Ayan na naman ba tayo sa usapan na yan Julianna?! Ilang beses kung sasabihin sayo na hindi mangyayari yon ha. Hindi ko hahayaang matuloy yun hindi kita ibibigay sa kanila at sa Jasper na yun!!"

"Baka kasi k----"

"Damn it!! Ano ba Julianna ayokong pagusapan yan kaya tumigil kana pwede ba ha!?"sigaw nya at pinag hahahampas ang manibela

"Bat mo ba ako pinagtataasan ng boses?! Nagseselos ka ba? Natatakot? O Nagagalit? Ano? Kung oo wag mo akong ganyanin natatakot ako eh!?!"

Pakiramdam ko hinihika na naman ako. Pero hindi ko ito inintindi mas iniisip ko ang problema namin ngayon kesa dito.

"Edi kung gusto mo sa kanila edi wag ka nang sumama sakin. Tutal natatakot ka diba?" Pinagtataasan nya na naman ako ng boses. Kahit natatakot ako hindi pa rin ako magpapadaig.

"Ayoko sasama ako sayo!" Medyo hingal kong sagot pero hindi nya ito napansin.

"Julianna? Mahal mo ba ako? Pumili ka ako o sila??"

Bakit pa kailangan umabot sa ganto? Hinanda ko na ang sarili ko sa sitwasyong ito pero hirap pa rin ako.




"John Paul naman anong klaseng tanong yan? mahal kita mahal na mahal. Ika---ahhhhhhh!!!!











Then everything went black....















Simula bata pa lang si Julianna at si John Paul ay magkakilala na. Sila ay matalik na magkaibigan at nauwi sa pagiging childhood sweethearts pero simula ng lumipat ng eskwelahan si John Paul ay bibihira na lang sila mag usap at magkita. Hanggang sa paglaki ng desisyon ang mga magulang ni Julianna na ilipat sya sa US para magaral tuluyan
na silang di nagkita at wala na silang connection sa isat isa. Nang bumalik sa
Pinas si Julianna nagkita muli sila ni
John Paul.... Nagkausap at muling nagkasama. Masaya na sana sila noon kaso may nangyaring trahedya na hindi nila inaasahan.

May pagasa pa bang makilala sya ng mga taong nasa past nya dahil sa pagiba ng kanyang pagkatao dahil sa aksidenteng iyon? Lalo na yung taong kasama nya bago mangyari ang trahedyang iyon makikita nya pa kaya nya ang taong yun? Magagalit ba sya doon? Magagalit ba ang pamilya nya sa taong iyon dahil wala man lang nagawa para mailigtas sya?May mamahalin ba syang iba hanggang nakakalimutan nya ang lahat o mananatili syang magisa at hanapin ang taong iyon? Magiging masaya ba sya pag nahanap nya ang taong iyon o isusumpa nya? Magkakatuluyan ba sila hanggang sa huli o hanggang magkaibigan lang ang namamagitan sa kanila?

To be Continued..

.... ...........................................................
A/N: hello po sa mga nagbuklat ng librong ito sana po hindi kayo magsawang basahin to hanggang sa epilogue.😊
...............................................................

Casts:

Julianna Marie Asuncion or Stephanie Cruz

John Paul Reyes

Gabriel Cortez

Kate Nicole Hyun

Hazel Asuncion

Jasper Jay Cruz

Alexandra Reyes

Christine

Kristine Cyra Yonzon

• Faded Memories• (Book 1)Where stories live. Discover now