Micheal's POV:
Nagdrive ako pabalik ng manila makalipas ang halos 4 na buwan na pagtira sa tagaytay.
Malapit ng manganak si Elize at kabuwanan na niya halos. Kailangan ko na siyang amuhin dahil ayokong lalabas ang anak ko na di pa kami nagkakasundong muli.
Habang nasa daan ay tinawagan ko si Cedric at Dian. Inilagay ko nalang sa conference call ang tawag para magkaringgan kaming lahat.
(O wazzup bro?! Nagbalik ka na ba sa sirkulasyon at tapos na ang pag-iispeya mo?) bati ni Dian.
(Ugok! Anong espiya eh nanliligaw yan!) sabat naman ni Cedric.
Napailing akong napangiti. Itong dalawang kumag na to hindi talaga makakausap ng matino kahit kelan.
May naisip na akong plano at kailangan ko ang tulong niyong dalawa.
(Sige bah! Cool ako diyan!) Dian.
(Basta para sa lovelife mo tol sali ako!) Cedric.
Salamat.. Magkita tayo mamaya. Pabalik na ako ng manila.
(Sige sabihin mo lang kung saan at anong oras, darating ako.) Cedric
(Ako din) Dian
(Gaya-gaya ka talaga!) Cedric
(Oi di ah! Wala kaya akong ginaya sa iyo!) Dian
Pinutol ko na ang tawag at natatawang ipinagpatuloy ang pagmamaneho.
****
Napagkasunduan naming sa condo ko nalang magkita at doon na din magbonding. May wine bar naman ako dun.
Sinabi ko sa kanila ang plano ko at pigil naman nila ang kanilang tawa. Naiinis tuloy ako habang nagpapaliwanag sa mga detalye.
"Seryoso ka talaga? Gagawin natin yun?" natatawang sabi ni Dian.
"Seryoso nga! Kita mong nakaready na pala ang lahat..." sabat ni Cedric.
"So ano? Sasama ba kayo?" tanong ko.
"Ah tol, wala bang chikababes doon? Kasi baka maturn-off sa akin pag nagkataon..." pakli ni Dian.
"Ano ka ba! Dapat unahin natin ang problema ni Micheal bago yan!" sabi naman ni Cedric at tinulak pa sa balikat si Dian.
"Palibhasa may Megan ka na! Ay tama andun yun tiyak. Magbestfriend yung dalawang yun. Kapit-tuko!" himig panunudyo ni Dian.
Nanlaki naman ang mata ni Cedric ng marealize ang sinabi ni Dian.
"Ah tol, wala na bang ibang paraan?" tanong nito agad.
Napakunot-noo ako na tiningnan ang dalawa.
"Ano ba, tutulungan nyo ba ako o hindi?" tanong ko.
"Sige na nga!" sabay pa nilang sabi at tinungga ang alak sa kanilang baso.
*********
Elize's POV:
"Best im here!" sigaw ni Megan mula sa gate habang kumakaway.
"Halika na dito dali!" sagot ko at gumanti din ng kaway sa kanya.
Nakita kong marami siyang bitbit at nagmamadaling umakyat sa veranda kung saan ako nakapwesto.
Mabigat na kasi ng konti ang tiyan ko dahil kabuwanan ko na kaya malimit ay nasa loob lang ako ng bahay at di na nakapagshopping. Kaya naman naisipan ni Megan na dalhan nalang ako ng mga bago niyang pinamiling gamit ng baby.
Ayon sa doktor ay lalaki ang magiging baby ko kaya inayos na namin ang silid ko at nilagyan ng espasyo para sa gamit ni baby.
Gusto ko kasi ako mismo ang magbabantay kay baby.
BINABASA MO ANG
Will You be My Babymaker? (Completed) + Special Chapters
General FictionCredits to AteWattyDongSaeng for my bookcover. Hiniling ng lola mo ng magkaanak ka kahit wala ka pang boyfriend. It was a big problem. Then you meet him unexpectedly. Your attracted to him he's attracted to you. Will you grab the chance and make hi...