One Shot

18 0 0
                                    


Tapos ko ng idikit sa scrapbook ang latest picture ni Jeth Simmons, nasa airport siya at suot ang medalyang napalunan, habang tumutugtog ang Rachmaninoff na tugtog niya noong piano recital niya, dalawang taon na ang nakakaraan.

Crush na crush ko talaga siya! Bukod sa gwapong tunay, eh humble pa kasi at ang bait niya. Magka-schoolmate kami sa Kevler University, nasa ibang building lang siya kasi Art Major siya.

"Ayy oh! 212 likes. Pinusuan pa ng iba! Mga inggit sila sayo, bes!" Hawak ni Tony, ang beki kong friend, ang cellphone ko at nagba-browse sa facebook ko.

Tinutukoy niya ang recent picture namin ng school heartthrob at singer and dancer ng sikat na grupo sa school, ang Hokabeats, na si Prince Lim! Nagpa-picture ako kay Prince nitong nakaraan linggo lang nang makasabay namin sa cafeteria, nakakahiya kasi dahil lahat ng kasama ko nagpapicture sa kanya. Tinanong niya pa ko kung magpapapicture din ako, umoo na lang ako at eto, nakaupo ako sa tabi niya at nakaakbay pa siya sakin na akala mo ay ka-date ako.

"Magpapalit na ko ng DP mamaya kasi magpapapicture ako kay Jeth Simmons!" Excited na ko. Sa katunayan, naiimagine ko na ang itsura namin sa picture.

"Ayy! Oh. Ayan oh. Puro pictures niyo na." Tinuturo niya ang nasa scrapbook.

"Matatagal na yan, eh. Gusto ko 'yong bago naman."

"Regine! Tony! Tara na! Male-late na tayo. Baka mawalan pa tayo ng upuan sa theater." Tinatawag na kami ni Diane, isa pang patay na patay kay Prince Lim.

Nakabusangot na ang muka ni Diane nang bumaba kami ni Tony at naglakad na papunta sa school.

University week kasi kaya itong mga talented na mga estudyante ay magpeperform. Ang sad part lang, hindi si Jeth ang highlight ng event samantalang siya ang nakapagbigay na ng ilang karangalan sa school maging sa bansa.

"Bat ba kasi dito sa gilid ang gusto mo, Reg?!" Nagrereklamo si Diane dahil mas pinili kong maupo sa left side para mas kita ang paggalaw ng mga daliri ni Jeth sa piano. Willing naman akong iwan nilang dalawa, sila lang ang may ayaw.

"Gora mga kapatid!" Sigaw ni Toni mula sa upuan namin nang magperform ang mga beking magsi-sing and dance na mala-Destiny's Child ang peg. Sinundan pa ito ng performance ng Hokababes na grupo. Nag-eenjoy naman kami sa mga performances nila.

"Syempre, dumako na tayo sa nag-iisang kilalang classical pianist na mula sa ating butihing unibersidad."

Napaayos ako ng upo ng sabihin 'yon ng hosts. Napasandal naman sa backrest ang dalawang kasama ko. Hindi kasi nila trip ang mga tugtog ni Jeth.

"Nitong nakaraan buwan lamang ay nag-uwi na naman siya ng isang award mula sa Dublin Music Festival."

Alam ko 'tong competition na 'to, nagtweet pa ko sa kanya para igoodluck at icongratulate siya. Syempre, humble siya, bukod sa paglike at pagretweet niya, nireplyan niya rin ako at nagfollow back siya!

"Dublin, Ireland partner! Hindi lang sa Pinas, pang world class na itong kaklase natin."

Oo naman! Kaya nga crush na crush ko siya, eh. Nakangiti ako nang tignan ang dalawang katabi ko na nakasandal lang at tila bored na bored na.

"At dahil dyan, may inihanda siyang sorpresa para satin. Hindi na natin patatagalin pa, let's give it up for... Jeth Simmons!"

Nagpalakpakan na ang mga tao ngunit tila ako lang ang may malakas na palakpak. Lahat sila ay napipilitan.

Nagdilim na ang ilaw sa stage at nagsimula muna ang tugtog ng piano bago unti-unti itong nagliwanag at nakita si Jeth Simmons na nasa gitna ng stage at nagpi-piano.

Another Fangirl Story - One ShotWhere stories live. Discover now