Can you be my girlfriend?:It all started with wala lang

114 1 0
                                    

can you be my girlfriend?” nagulat naman ako nung tinanong ako ni kuya jared nyan..

“ermm bakit? Ako?” tanong ko naman. Matagal ko na sya kilala. Kuya pa nga ang turing ko dyan ehh.

Mahilig sakin mag open yan kaya super close kami. Biruin nyo na-issue pang may gusto yan sakin XD pero brotha-sista lang talaga. Pero wag kayo.. Naging crush ko yan .

wala lang” aww ganun. Okay ? dahil wala lang naman at nakainom ata ito. “haha sige payag ako.”

Trip lang at sabi nga niya wala lang diba?

“talaga ha? Sge gf na kita ah” hahaha nakakatawa naman to.

“oo na nga po. Sige na pahinga na bf XD”

Text lang kami nag-usap nyan hahaha

Before ako matulog nag-isip ako.. Hmm.. tama ba to? Kahit trip lang? baka masaktan ko si ate ehh.

*FLASHBACK*

“sa totoo lang wala nang patutunguhan yan ehh kung ayw niya talaga better let go” sabi ko sakanya. Kasi naman to si kuya ehh. Pumayag na maging sila pero parang wala lang sakanya.. tsk..

Kinausap lang naming sya.. tas maya-maya tinignan ko si kuya jemi,Inlove sya kay ate jane ehh, Kung nasasaktan si ate ganun din si kuya jemi. Saklap lang kasi inlove sya sa girl na mahal yung bestfriend nya.

“okay ka lang? try mo kasi gumawa ng move”  sabi ko.

“kahit naman gawin ko yun sya pa din mahal ehh”

I tried to persuade him, pero ayoko naman sya dalhin sa torture. Masakit kaya yun.

So days passed by ..

Birthday ni ate Diane. Friend naming, pinilit ako ni kuya jared magpunta dun, kaya after ng shoot naming for our project dumiretso na ko sa meeting place naming. 7eleven . kaso nalatae sya, ehh badtrip ako, kaya tampo mode ako. Nagsorry naman sya kaya maya napatawad ko din.

Not that long dumating na yung tropa nya, pati sina ate jane. Lumapit sya kay kuya jared. Matagal silang di nakapag-usap. So, ayun nga nilayuan ko muna, ayoko makasagabal ehh,

Nung nakaraating kami sa party , Kasama pala ako sa 18 candles -_- wew.

So after nun..sinabi ko kay kuya jared na uwi na ako ng mga 10.

“baka di ako makasabay sayo eh sorry” ahh. Tumungo lang ako. Pero sa totoo lang naiiyak na ko. Natatakot kasi ako umuwi eh, hinila ko si kuya jemi para kausapin, sa harap nya umiyak ako.

“wow. Di ako sanay na ganyan ka.” Sabi nya.

“sorry ha. Stressed kasi ako the whole week tas ganito” sabi ko na lang sakanya.

So pinag-usapan lang naming sina kuya jared at ate jane.

Maya-maya umuwi na din ako, naiinis ako kay kuya jared sobra.

Tumatawag sya pero binababa ko.

Sakit ng ulo ko. Di ko napansin lumampas na pala. “ay shit tanga” I cussed.

Nothing special happened , tinawagan ako ni kuya jared at sinabing break na sila. Inis pa din ako kaya “alam ko” yan lang sinagot ko. Tas binaba na din yung tawag.

Nagsorry sya, sabi ko naman okay lang kahit hindi pa.

*END of long FB*

So after nun hmmm.. naging okay na din kami, tas si kuya jared ayan na nga.. tinext na ako ng ganyan.

Hindi pa kami gaano nakapag-usap afterwards . Birthday celebration na pala ni ate jane this Sunday.

So I went. Naging mini reunion sya ng dati naming club <3

Akala ko pupunta si kuya hindi pala.

“punta tayo kina jane bukas?” tinext nya ako.

“yeah bumawi ka!” sagot ko.

Text pa din yan,

So Nagpunta nga kami.Medyo nagsisisi ako ngayon . dahil napaka-awkward. Lagi kasing nalapit si kuya jared sakin. At si ate jane naman yung tingin samin nakakatakot.

-_- Kami ata ni kuya jemi yung pinakanaawkward,

But then, I have to leave early, Dapat kasabay ko si kuya jared, kaso nga ayun..

Ililibre na lang daw sya pamasahe ni ate jane , wag na muna sya umuwi.. obviously she wants to be with him..

Okay.. amin na po. may selos pero SLIGHT lang. as in TINY-LIL-BIT lang.

Hmm..

Pagdating ko dito sa bahay diretso higa ako..

“kami na nga ba?” tanong ko sa sarili ko. Hayy..  Natulog na lang ako.

(a/n: FIRST CHAPPIE = 1PAGE. ikli lang yan XD bagong writer lang po ako dito..matagal na reader XD plish support .. KAMSA..)

Can you be my girlfriend?:It all started with wala langTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon