Kyran's POV
Nandito ako ngayon sa university na pinapasokan ni Draven. Nakahood ako na lagi naman naming ginagawa.
Inutusan ako ni Cerberus na pabalikin siya sa kapatiran.
Bakit ba ako pa ang dapat na gumawa nito?
Napakauhugin talaga ni Cerberus! pwedi namang siya na mismo ang gumawa! pwedi rin namang si Amaia o di kaya si Tristram ang utusan niya ah! Bat kailangan ako pa?!
Nakasandal ako sa gate ngayon.
Binabantayan ko siyang lumabas.
Nakatingin ang mga babae sakin.
"Hi girls" sabay kindat sa kanila. Nagtilian naman sila.Tss!
"Ahhhhhhh... Hunter! Pansinin mo naman kami!" Rinig kong sigawan ng mga babae sa di kalayuan. Napatingin naman ako sa kanila.
Draven?
'Hunter' pala ha?
Agad naman akong lumapit kay Draven at inakbayan siya.
"Sorry girls. Pwedi hiramin ko muna ang kaibigan ko?" Sabi sa mga babae. Saka lumayo ng konte sa kanila.
"Kkyyyyaaahhhh! 😍 ang gwapo niya!"
"Oo nga! Ang gwapo nilang dalawa"
Rinig kong sabi nila.
Alam kong gwapo ako!
"Anong ginagawa mo dito?" Cold na tanong ni Draven sakin.
"Binibisita lang kita!"
"Tsss! Umuwi ka na!"-Draven
"Kamusta school ha? Ilang tao na ang nakagat mo?!" Tanong ko sa kanya.
"Tumahimik ka Kyran!"
"Haha nagbibiro lang naman ako."
Anlaking tanga talaga nitong si Draven! Pinagkakaguluhan siya ng mga babae rito. Kahit sino sa kanila pweding pwedi nyang ikama at pagkakagatin sa leeg! Tss!
"Kyran! Sabihin mo na!" -Draven
"Ha? Ang alin?!" Pagsisinungaling ko.
"Alam kong may gusto kang sabihin kaya nandito ka! Naaamoy ko yun sayo!" Seryusong sabi ni Draven.
Naging seryuso na ako at hinarap siya.
"Kailangan mo nang bumalik sa kapatiran!"
"Tss! Ayoko!" Deretsong sagot niya.
"Draven naman! Ano ba kasing pumasok dyan sa utak mo at kumalas ka?! Tapos ito! Nag-aral Aral ka pa! Alam mo katangahan ang ginagawa mo! Anong mapapala mo sa pag-aaral? Pre! Sa tinagal tagal na natin dito sa mundo! Mas matalino pa tayo sa mga Tao! Mas malakas tayo! Nasa tuktok tayo ng foodchain!" Sigaw ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
D'Vlad: THE VAMPIRE & I
VampirDraven D. Vlad, is a member of the Royal Vampire clan 'Vlad', After witnessing the bloody slaughtering of his whole family, Draven left home and started a new life as a vigilant and left all his responsibility as a royal blood to his cousin, Cerber...