Chapter 2

1.3K 32 1
                                    

C h a p t e r T w o

It's me and him with roses in between.

~ * * ~

"Yeaaah!" todo ngiting sabi ko. Nakataas ang mga palad ko sa ere para saluhin ang ilang confetti na bumabagsak mula sa itaas.

Katatapos lang ng Golden Award. We didn't make to be the Best Female Group of the year, but atleast we ranked 3. And, nakuha namin ang Album of the year. It's the UNQS who made it. At kung itatanong niyo kung anong grupo ang nakakuha ng titulong Best Male Group Of The Year, it's Sexy Beast. Again. For Dark B, they won the Best Dance Performance. At ang WATB naman, Song Of The Year ang nakuha nilang award dahil sa kanta music hit nilang Make It Louder.

Party music was playing, the crowd was dancing and cheering. This is my favorite part in every awarding event. Ang pagtatapos. Kasi, nagkakaroon ng bonding ang iba't ibang grupo although may kompetisyong nagaganap. And even the fans, nakakahalubilo namin sila.

Lumingon ako at kinawayan ang mga fans na panay ang sigaw.

Then, a very familiar sound caught the attention of everyone. A drum roll followed by a wedding melody.

Namatay ang ilaw sa stage at matapos ang ilang sandali, sumindi ang makukulay at malilikot na ilaw sa stage. Marami ang napasinghap. Kalaunan, naghiyawan sila at nagpalakpakan.

Nagkatinginan kami ng mga ka-grupo ko. May mga staffs na nag-utos sa amin na umupo, so we did.

Tumigil ang music na kanina lang ay pinapatugtog. Naririnig at ramdam na ramdam ko ang ethusiasm na nakapalibot sa lugar na ito. Everyone's curious and excited at the same time. Including me.

Sa stage, nandoon ang executive producer yet director ng 1hundred Days na si Director BS. Binansagan siyang Babe Sweet dahil sa pagma-matchmaking niya ng dalawang tao sa show na ito. Siya ang pumipili ng magiging participants. And if you're wondering what is 1hundred Days, isa itong reality variety show. This show pairs up celebrities. They will live their 100 days with cameras monitoring them. Magtuturingan silang "couple" sa loob ng mga araw na 'yon. After that, they will got married. Then, the episode is done. Kumbaga sa totoong buhay, magli-live in para lalong makikilala ng couple ang isa't-isa bago ang kasal. But! Sex is forbidden in that show. Of course! Marami ang humihiling na maging participant ng show na ito kasi kung sikat ka na, lalo kang sisikat. Kapag ikaw ang participant, trending ka. Ikaw ang hinahangaan, ikaw ang pinag-uusapan.

Kasama ni Director BS ang dalawang host na couple in real life na sina Gelie at Theo.

"Good evening everyone!" bati ng direktor. "I know you are all wondering why we are here. Ngunit bago namin kayo sagutin, mula sa lahat ng bumubuo ng 1hundred days, we're congratulating all the idols in here for their hardworks!"

Kanya kanyang sigaw ang fans ng paborito nilang mga grupo. Nang mabawasan ang ingay, nagsalitang muli ang direktor.

"To answer your curiousity, we are here..." she paused.

Kung kanina nakakabingi ang ingay, ngayon naman nakakabingi ang katahimikan. Everybody's attentive, waiting, and so much excited.

Ngumiti ang direktor at nagpatuloy, "to select the next participants of 1hundred Days!"

And right there, sumabog ng kaingayan sa buong concert hall. Ang ibang idols napatayo mula sa kinauupuan, raising their hands and screaming.

Ilang minuto bago kumalma ang mga tao. Maging ang mga idols nagtatatalon sa excitement. Di ko alam kung bakit sa dami ng mapagtutuunan ng mga mata ko, doon pa sa kinalulugaran ng Dark B. Para silang mga ewan na nagtatalunan at nagyayakapan. Mas exagge pa ang reaksyon nila ngayon kaysa kaninang tawagin ang grupo nila para kunin ang trophy dahil sa pagkapanalo nila.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon