Chapter 3

1.1K 29 3
                                    

C h a p t e r T h r e e

I don't have any idea he is this nuisance.

~ * * ~

"Mag-usap kayo, OK?" sabi ni Direk BS sa amin.

Nasa loob na kami ng van, papunta na sa bahay kung saan kami titira ni Rem sa loob ng isang daang araw. Bukod sa direktor, isang camera man at dalawang staffs pa ang kasama namin na ang isa ay siyang nagmamaneho. Ang dalawang hosts at iba pang staffs ay nasa ibang sasakyan pero nakasunod sa amin.

"We will start filming in 3, 2...1." Nag-thumbs up si Direk hudyat na nagsisimula ng mag-film.

Tumingin ako sa camera at ngumiti ng bahagya. Tapos, nilingon ko ang katabi kong si Rem. Nasa last row kami nakaupo.

Rem looked at me. "Hi," aniya.

"Hello."

Umayos siya ng upo paharap sa akin.

"Maraming beses na tayong nagkakasalubong pero hindi ko pa formally napapakilala ang sarili ko sa'yo." Tumikhim siya. "I'm Rem of Dark B." Naglahad siya ng isang kamay.

"Kangji of Style." Tinanggap ko ang kamay niya at nagshakehands kami.

Dim ang light dito sa loob ng sasakyan pero napansin ko pa rin ang pamumula ng mukha niya. Aww. Ang cute! Napangiti ako dahil dun. At... napatitig ako sa mukha niya. Di ko maipagkakailang gwapo siya. Sobrang gwapo niya.

Tumikhim uli si Rem. Kumunot ang noo ko. Nung bumaba ang tingin niya, saka ko lang na-realize na hawak ko pa rin ang kamay niya.

"Ayy..." Agad kong binitawan ang kamay niya.

"Di, ok lang sa'kin." Kinuha niya uli ang kamay ko at hinawakan.

Pagtingin ko uli sa mukha niya, todo ngiti siya. Muling nag-shift ang paningin ko sa magkahawak naming kamay. Nag-init ang pisngi ko.

Narinig ko ang mahinang tawa ng mga staffs.

"Hokage naman pala..." sabi ng nagmamaneho. Siguro nakita niya through rearview mirror kanina.

Tiningnan ko si Direk BS. Akala ko sasawayin niya pero hindi. Nakangiti pa siya.

"Para na kayong ikakasal," sabi naman ng camera man.

Nagkatinginan kami ni Rem.

"Po?" tanong ko.

"Tignan niyo nalang mga suot niyo," tugon ng camera man.

Nakasuot ako ng white dress na may glittery silver belt. Tapos nang tignan ko ang suot ni Rem, saka ko lang napag-alamanan na ang suot niyang neck tie ay kulay silver. Ang tuxedo niya ay kulay puti.

Nagkatinginan kami ni Rem. I watched him as his lips slowly stretched into a smile.

"Ang cute naman," komento ng isang staff na katabi ng nagmamaneho.

"Hehe," pekeng tawa at pekeng ngiti. Pasimple kong hinila ang kamay ko.

"Fiancee kita, diba?" Todo ngiting sabi ni Rem at pinisil ang kamay ko. Hindi ko gusto ang paraan ng pag-ngiti niya. Parang... nang-aasar.

Mukhang hindi ko nagugustuhan ito ah.

***

Bawat episode, isang bahay ang fini-feathur. Isa sa mga sponsors ng show na ito ang Sevillano Homes. Right after matapos ng episode, On-Sale agad ang bahay. Syempre, dahil nagamit ng 1hundred Days couple, naipakita sa TV ang bawat sulok ng bahay, marami ang bibili. Agawan pa nga. Talk about marketing strategy. Kaya maraming sponsors ang 1hundred Days dahil malakas itong makahatak sa mga tao.

Be Mine Or Make Me YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon