A/N: Someday is a one shot letter for someone. Enjoy reading~
====================
Dear Someone,
Napakamanhid ko para hindi mapansin na hindi mo mapapansin kailan man ang isang katulad ko. Umasa lang ako dahil sa mga pagpapakilig mo na wala naman talagang kahulugan para sayo. Yung mga ngiti mong kaibigan lang siguro ang kayang ibigay sa akin. Wala akong pag asa pero hanggang ngayon gusto pa rin kita. Pero kahit kailan hindi mo mararamdaman ang katulad ng nararamdaman ko para sayo.
Yung mga tingin mo lagi sa akin na nakakatunaw na parang sinasabi ng mga mata mong gusto mo rin ako. Pero hindi naman talaga, siguro nga mali ako ng mga pag aakala. Akala nga lang siguro ang lahat. Ngunit hanggang ngayon ay pinanghahawakan ko pa rin na baka gusto mo rin ako kagaya ng sabi ng iba. Hanggang ngayon ba naman nasa starting line pa rin ako at tahimik na umaasang magugustuhan mo rin ako sa mga susunod na kabanata ng ating pagtatagpo.
Lumilipas ang mga panahon ngunit ikaw pa rin ang iniisip isip ko na baka sa bandang huli ikaw din at ako.Ano nga ba namang magagawa ko kung hanggang ngayon ikaw pa rin?
Ang tagal na panahon ko ng kinikimkim ang nararamdaman ko para sayo. Araw araw hinihiling ko na sana wag mong malaman ang katotohanang hanggang ngayon ay ikaw pa rin ang laman ng isipan ko at patuloy na iniibig ng puso kong paos na sa kasisigaw ng pangalan mo. Alam kong wala lang namang patutunguhan ang lahat pero sa kabilang dako ay tahimik pa rin akong umaasa na balang araw pagtatagpuin muli tayo ng tadhana at sa pagkakataong yaon ay masasabi mo na ring MAHAL MO AKO.
Ngunit malabo, siguro nga'y hanggang sa imahinasyon ko na lamang mabubuhay ang mga pangyayaring iyon sapagkat gawa gawa ko lamang na pagdating ng panahon mapapansin mo rin ako. Gawa gawa lang ng malawak kong imahinasyon na darating ang panahon na maririnig ko ang boses mo, malalapitan kita, at makakausap. Balang araw ay makikilala ka ng lubusan. At darating ang araw na mahahawakan ko rin ang kamay mo at sasabihin mo sa aking ngayon ka lamang muli sumaya ng ganito dahil dumating ako sa buhay mo. Dahil pinagtagpo tayo, pinagtagpo para sa isa't isa at itinadhana.
Pero ang katotohanan ay alam ko naman, na kung magkakalayo man ang ating mga landas ay hindi na muling pagtatagpuin pa dahil hindi ka itinadhanang mahing akin, at hindi tayo itinadhana para sa isa't isa. Ngunit kung pagtatagpuin man tayo muli alam kong pagtatagpuin lang ngunit hindi itinadhanang maging akin ka, maging sayo ako, MAGING TAYO.
BINABASA MO ANG
Someday
HorrorWhat if someday mahalin mo rin ako? ©2016 P.S. hindi po talaga horror, pero gnawa ko lang na horror ang genre dahil NAKAKATAKOT PONG MAGMAHAL.