Third Person's Pov
Samantala, hindi nalalaman ng mga istudyante ang nagaganap na pagpupulong nang Student Council lalong lalo na si Xia.
Nakaupo sya ng ayos at nakatingin sa kanilang guro sa unahan, nanguso pa siya. Kung iyong titignan nang mabuti ay mukhang seryoso sya sa pakikinig sa kanilang guro na si Mr.Frin, pero ang totoo ay hindi nagfafunction ang utak nya dahil MATH ang usapan.
Sa kanyang kaliwa ay nandoon si Demione na nakikinig nang mabuti ngunit naiinis din siya dahil sa paninitig sakanya ni Selice. Sya ang babaeng nakaupo sa may harapan nya ngunit kahit na dapat ito ay nakatalikod sakanya pero ito ay nakaharap pa sakanya..Si Selice Alicia Ronzo, ay ang babaeng patay na patay sakanya. Ito ay naging kababata nya ngunit hindi sila close, dahil ayaw ni Demione sakanya. Clingy kasi si Selice at itinuturing na jowa nya si Demione kahit di naman talaga.Matalino si Selice kaya naman wapakels na sya sa itinuturo ng guro nila.
Sa may kanan naman ni Xiarra, ay nandun si Achillise. Palihim siyang sumusulyap sulyap kay Xia dahil natatawa siya sa pagiging seryosong pagmumukha ng babae ngunit medyo nakapout. Nagpipigil tumawa si Achillise dahil ayaw nyang mapalabas ng silid lalo na't on-going pa ang klase.
Samantala, madiin na nagsusulat si Mr.Frin sa board kahit pa ito ay white board... kaya naman ang tunog ng marker ay umaalingawngaw sa 4 na corner ng silid. Discuss siya ng discuss hanggang sa-----
*Dismissed**Dismissed*
Tunog iyon ng alarm ng orasan sa kanilang classroom. Lahat ng silid ay may ganoon. Dahil mahalaga ang bawat segundo,minuto at lalo na ang oras kaya naman hindi ito sinasayang sa paaralan. Ginagamit din ang orasan na iyon upang walang mag overtime sa bawat subject.
Inayos na ni Mr.Frin ang mga gamit nya at tumungo na palabas ng silid. Wala ng lingon lingon pa. Kaya naman ng makarecover sa nangyari ay naghiyawan ang mga istudyante...
Kanya kanyang sigaw ang bawat isa, ngunit iisa lang ang kanilang ekspresyon dahil... ang kanilang pagdurusa sa naturang asignatura ay nagtapos na...
Xiarra's Pov
Kapag talaga Math ang usapan kahit na ang hyper hyper ko dahil naka laklak ako ng 3 chuckie, nalolowbatt ako.
Kaya para hindi ako magaya sa mga kaklase kong nagdurusa dahil sa subject na yan, nagdaydream na lang ako.
Nakita ko ang isang pintuan na kulay puti at may malaking logo ng wattpad.. napalingon ako sa isa pang pintuan ngunit ito ay kulay itim.. nakita ko naman ang nakadikit na mga posters ng mga Kpop. Sa pangatlong pintuan naman ay kulay dilaw.. walang anumang nakadikit dito... ngunit may nagtutulak sakin para piliin na lamang ito kumpara sa ibang pintuan. Nagdadalawang isip ako kung susundin ko ba ang instinct ko.... unti-unti kong inihakbang ang mga paa ko... dahil may naisip akong kakaiba dito, at dahil sa kuryusidad. Tinakbo ko na ang distansya namin ng dilaw na pinto. Hinawakan ko ang doorknob ng pinto at inikot ito upang mabuksan. Sumalubong sakin ang isang liwanag.. isang nakakasilaw ng liwanag.. nagulat na lang ako ng wala akong makita...
Shete. Bakit dumilim?
Anong nangyare?
"Takte. Sabi ko na nga ba't wag kang sisinghot na kung ano-ano eh! Yan ang napapala mo,"
Nagising ako sa reyalidad dahil sa sinabi nya.. di pala literal na nagising...
"Tagal mong natulala ah? Sabihin mo nga,"
Nagulat ako nang ilapit ni Achi ang mukha nya saken.
"Anong iniisip mo?," tanong nya
Agad kong iniharang sa pagmumukha nya ang palad ko.

BINABASA MO ANG
The Protagonist and the Antagonist
Dla nastolatkówIn every story, the Protagonist is the one who always win over the antagonist.. And also they say that "The one who fall inlove first, is the loser" Then who will lose? Is it the Protagonist? Or the Antagonist? Let's find it out!