Isang panaginip kasama ka ;) [Chapter 1 of 2]

826 8 3
                                    

 Ayan sorry po kung nabago ung title! may pinagtataguan lang Hahaha

enjoy reaaading guys :P

2nd chap is up. 

_____________________________________________________________

Naaalala ko pa yung panaginip ko kagabi. Kung maganda o masamang panaginip yun, hindi ko pa alam. Nandoon kasi yung lalaking maituturing kong espesyal sa akin. Itago na lang natin siya sa pangalang"Boy" Nasa school kami noon, at alam niyo naman ang mga panaginip minsan nangyayare ang pinaka wirdong pangyayare. Ang naalala ko pa eh, pauwi na daw kami noon kasama ang iba pa naming mga kaibigan. Hinahanap ko pa yung testpaper ko sa english pero hindi ko nahanap. Nandoon pa yata yung kapatid ko eh, sa tingin ko siya yung kumuha nung testpaper. Pagkatapos ng maduguang paghahanap, napagpasyahan kong baliwalain iyon at umuwi na lamang. Tapos the weirdest thing happened. Hindi ko alam kung saan nanggaling iyon pero bigla na lamang may bitbit na bata si 'Boy'. Gaya ng sinabi ko, hindi ko alam kung saan niya nakuha ang bata. Papauwi na kami noon, dinaanan namin ang nakasanayan namin ruta papauwi. Tapos maya maya napansin ko wala na ang bata (hindi ako sigurado kung papaano pero sa tingin ko nakalimutan ko lang ang parteng iyon na panaginip ko). Pagkatapos noon ay biglang nagiba ang pangyayari. Kaming dalawa na lang daw ni 'Boy' ang magkasama, hindi ko alam kung ano nangyari sa iba pa naming kasamahan... Nakalimutan ko na kung bakit pero huminto kami sa isang parte ng eskwelahan na para bang may hinihintay siya. Hindi ko na matandaan kung ano ang pinaguusapan namin. Nakatayo ako sa tabi niya at siya naman ay nakaupo sa isang baitang ng hagdanan. Maya-maya ay naramdaman ko ang pagpatak ng tubig mula sa langit- nagsisimula ng umulan. Pero parang hindi iyon inalintana ni 'Boy' dahil hindi siya umalis sa kaniyang kinaroroonan. Nagsalita ata ako. Pero hindi niya iyon pinansin. Napagdesisyonan kong kunin ang payong ko at isinilong ko siya dito. Hindi siya lumingon. Umupo na rin ako at sumandal sa likod niya (Back to back). Pagkatapos noon, ikinagulat ko ang mga sumunod na pangyayari...

Isang panaginip kasama ka ;)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon