Seatmate

125 4 2
                                    

" First subject MATH? What the .. !"

"Ano ka ba naman Bestie, wag ka ng mag reklamo! "

"Eh kasi naman, ang aga-aga computation na agad."

"Eh di magpagawa ka ng school, tapos sarili mong schedule."

"Harhar. Nakakatawa." Sagot ko.

"Javier and Garcia, pwede niyo bang i-share sa buong classroom ang topic niyo?" nakasimangot na sabi ni Mam Lopez. Math Teacher namin.

"Sorry mam."sabay naming wika ni bestie.Kaasar talagang teacher na to. Bukod sa mahirap na ang Math ang sungit-sungit pa. Palibhasa matandang dalaga -______-

"GoodMorning Mam. I'm sorry im late"napalingon lahat ng kaklase namin sa nagsalita sa may pinto.Si DARREN -__- ang cute at suplado kung Seatmate.

"Okey pumasok ka na."-si maam. Tumuloy na siya sa at umupo sa tabi ko.

"Ang cute niya talaga."-si Karen.

"Tumahimik ka na nga, baka mamaya palabasin na tayo ni mam."sita ko sa kaibigan ko. Pero totoo yung sinabi niya. Ang cute talaga ni Darren. Crush ko na siya since pasukan.Pero kahit seatmate kami, hindi kami nag-uusap.Tahimik lang kasi siya, alangan namang ako ang unang kuma-usap, nakakahiya kaya.

Naglesson pa si mam. Syempre etong seatmate ko nakikinig kay mam.At ako naman? Eto tulala. Takte kasing Math yan. Hindi mawala-wala -_____________-

*BREAK TIME*

Andito kami sa labas ng room ni bestie. Hindi kami nag recess kasi wala kami pera -___-

"Oy Bestie bat kaya hindi ka pinapansin ni Darren?"Tanong ng mahadera kong kaibigan.

"Kailangan pag Duldulan?"-ako

"Hahaha. Eh kasi naman yung iba nating classmate kinakausap niya, kahit nga ako. Samantalang ikaw na katabi, hindi pinapansin? Saklap nun."aba't nang-asar pa. Pero totoo naman yung sinabi niya. Ako ang naturingang katabi ako ang hindi kinakusap.Ang saklap lang diba?

"Hindi kaya alam niya na crush mo siya?"tanong ni bestie.

"Pano niya naman malalaman?Eh sa room natin ikaw lang naman ang may alam. Pwera nalang kung sinabi mo."naghihinala ko siyang tiningan.

"Hoy wala akong sinasabihan kahit na sino nuh!"-siya.

"Excuse me po. Classmate ba kayo ni Darren?"-tanong ng babae. Well maganda siya.. Pero mas maganda ako . Mwahahahha (Evil Laugh)

"Oo. Bakit?"-si bestie.

"Pwede bang pakibigay ng notebook na to.?"tanong ni Girl.

"Sure."

"Thanks.Paki sabi nalang na pinabibigay ni Lezel."at umalis na siya.

"Oy Bestie ikaw na magbigay niyan sa myloves mo."

"Luh? Bat ako?"

"Eh kasi ikaw at hindi ako."

"Ayos sagot ah."

"Maganda kasi ako."sagot niya at nag walk out. Baliw talaga yung babae na yun.

"Ano kaya tong notebook na to?"binuksan ko yung notebook at nakita kung may note na nakasulat.

"Bat kaya pagdating sayo

Natatameme ako. ?

Nawawalan ako ng sasabihin pag

Nakatingin ka? Siguro iniisip mo suplado ako.

Sana dumating yung time na, masabi ko ang

Tunay kung nararamdaman para sayo."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SeatmateTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon